^

PSN Showbiz

Maghahatid kay Marian sa altar, tatlu-tatlo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kumpleto ang pamilya ni Marian Rivera sa premiere night ng My Big Bossing mula sa lola niya, ina, stepfather, at mga kapatid sa ina. Darating ang ama ng aktres para sa kasal nila ni Dingdong Dantes, maaabutan pa nitong showing ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry at siguro naman panonoorin nito ang movie ng anak, first time niyang mapapanood sa mga sinehan. I-segue na rin nitong panoorin ang Kubot: The Aswang Chronicles ng magi­ging son-in-law niyang si Dingdong Dantes.

Tampok si Marian sa Taktak episode ng My Big Bossing at natawa kami sa fans dahil kinilig sa mga eksena nito at ni Vic Sotto. May nagpaalala sa fans na magiging ninong ni Marian si Vic.

Sa kasal ni Marian, hindi lang ang ama ang maghahatid sa kanya sa altar, kasama rin ang lola niya at ina dahil gustong kompleto ang loved ones niya na sabay niyang maglalakad papuntang altar.

Anyway, sumugod sa Cinema 10 ng SM Me­ga­mall ang maraming tao na gustong ma­panood ang My Big Bossing. Kahit ang mga walang tiket nagpilit makapasok at walang nagawa ang security guards kundi papasukin sila at baka magkagulo.

Aliw ang pelikula at tama ang sinabi ni Vic na hindi lang pambata, at pang-ate at kuya, matutuwa rin ang parents ng mga bata at lolo at lola.

Curious sa tambalan ng dalawa pelikula nina Jennylyn at Derek marami na ang nag-aabang

Malaki ang bagong bahay ni Jennylyn Mercado, may seven bedroom ito dahil hindi na lang daw para sa kanila ng anak na si Jazz at Mommy Lydia ang bahay, para rin sa mga kasama nila dahil dumami na sila. Hindi na binanggit ng aktres kung sino ang kasama nila sa kanilang extended family.

Wala ring takot si Jennylyn na binanggit ang bubuksang business sa second week ng January 2015, ang Fit and Form na parang combination ng spa, beauty salon, may coffee shop pa yata. Nadadaanan namin ang location ng Fit and Form sa may Kamuning sa Quezon City, matao ang lugar at tiyak na magiging successful ito.

Maayos daw ang papers nila ng kanyang kasosyo sa bubuksang negosyo kaya hindi itinatago lalo na sa BIR. Wish ni Jennylyn na maging successful ang Fit and Form para makapagbukas pa siya ng ibang negosyo.

Matutuwa pala sina Jennylyn at Derek Ramsay ‘pag nalaman nilang maraming gustong mapanood ang English Only, Please. May mga narinig nga kaming ang Quantum Films movie ang uunahin nilang panoorin sa pagbubukas ng MMFF bukas.

Curious ang tao sa tambalan nina Jennylyn at Derek at gusto nilang ma­panood nang kompleto ang ekse­nang nasa pila ng jeepney si Jennylyn at nakipag-away sa barker.

JC at Renz nag-uunahan kay LJ

Ang haba ng hair ni LJ Reyes dahil hindi lang si JC de Vera ang may gusto sa kanya, pati si Renz Fernandez na kasama niya sa Yagit ay nahulog na rin sa aktres. Very open si JC sa pag-aming type niya si LJ at naghahanap lang ng time para maligawan ito.

Ang payo kay JC ng press, bilis-bilisan niyang hanapan ng time na ligawan na si LJ dahil baka ma­unahan siya ni Renz. Ang advantage ni Renz, kasama niya sa taping si LJ at napapansin na nga ng co-stars nila at staff na gusto niya ito.

Naalala namin, sa Prinsesa ng Buhay Ko unang nagparamdam si Renz kay LJ at pinuna namin ito, pero super deny ang aktor. Friends lang daw silang dalawa, lumabas na tama ang press.

Saka, bilis-bilisan din ni Renz dahil may non-showbiz at schoolmate ni LJ sa La Salle na pumo­porma rin yata sa aktres. Guwapito rin ang binata at isa yata sa binanggit ni LJ na nakakasama niyang lumabas.

James tumutulong sa promo ni Bimby

Hindi lang si Kris Aquino ang very proud mom kay Bimby dahil sa pelikula nitong Praybeyt Benjamin 2 na entry sa MMFF kasama si Vice Ganda. Pati si James Yap, very proud din sa anak at sa Instagram (IG) account nito, pinost ang poster ng movie at ang caption ay “Very proud dad.”

Lalo pang naging proud si Kris kay Bimby nang magsayaw ito sa ASAP 19 kasama sina Vice Ganda at Richard Yap to promote their movie. Naloka lang si Kris dahil sa guesting nina Vice at Bimby sa The Buzz, binuking ni Bimby ang pangalan ng BF ni Vice.

vuukle comment

BIMBY

DAHIL

DINGDONG DANTES

FIT AND FORM

JENNYLYN

LANG

MY BIG BOSSING

RENZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with