^

PSN Showbiz

Jennylyn nakakatipid ’pag naka-shorts

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Panay ang pa-thank you nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado sa very positive feedback ng press sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang English Only, Please ng Quantum Films. Sa direction ni Dan Villegas, graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang movie.

Si Jennylyn ang pinakamasaya dahil napatunayan niya na kaya niyang mag-comedy at hindi lang mag-drama. Wish nitong may dumating pang ganitong klaseng project sa kanya. At saka, ang maganda, tipid siya sa damit dahil madalas, naka-shorts lang siya.

First time napanood ng dalawa ang kanilang pelikula, kaya virgin ang reaction sa mga eksena nila at nakitang malakas ang kanilang chemistry.

Dahil sa magandang feedback, kahit papaano, nabawasan ang worry ni Derek sa kanyang ama na isinugod sa ospital the night before the press preview na nagkaroon ng bara sa carotid artery. Akala nga ng marami ay hindi makakarating si Derek sa press preview, pero sumipot pa rin ito. Nasa ospital pa raw ang dad niya at may mga test na gagawin.

Mylene ayaw sa mga may kuto at ‘di flawless ang balat

Balik-GMA-7 si Mylene Dizon sa Once Upon a Kiss, ang primetime series nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Freelancer ang aktres, kaya puwedeng mag-network hopping at maayos ang paalam niya sa ABS-CBN na tatanggap muna ng project sa kabila habang wala pa siyang show sa kanila.

Ginagampanan ni Mylene ang role ni Giselle, ang mataray na ina ni Miguel na ayaw sa mahihirap na kaibigan ng anak lalo na ang may mga kuto at hindi makinis ang balat. Enjoy siya sa kanyang role na caricature character ang tawag.

Kris kay Dennis napunta

Last two days na lang pala ng taping ng Hiram na Alaala, kaya nalulungkot na ang buong cast na naging close sa isa’t isa. Si Kris Bernal, nag-post pa ng picture sa Instagram (IG) na yakap ang script, pero binibiro itong kaya nalulungkot dahil hindi na madalas makikita ang crush niyang si Dennis Trillo.

Sa January 9, 2015 ang final episode ng Hiram na Alaala. Nagrereklamo na ang fans ng tambalan nina Kris at Rocco Nacino, dahil parang sa ending, sina Kris at Dennis ang magkakatuluyan at si Rocco ay mapupunta kay Sheena Halili.

vuukle comment

ALAALA

BIANCA UMALI

CINEMA EVALUATION BOARD

DAN VILLEGAS

DENNIS TRILLO

DEREK

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

HIRAM

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with