^

PSN Showbiz

Hindi kayang baguhin ng sosyalerang actress-GF hunk actor dugyot at makapal pa rin ang tartar sa ngipin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Handang-handa na si Julie Anne San Jose sa Hologram concert na gaganapin sa SM-MOA Arena sa December 13.

Pero totoo bang may problema sila sa isa nilang producer na tila bibitinin sila?

Abangan mamayang hapon sa Sunday All Stars ang pasabog na production number ni Julie Anne bilang teaser sa nalalapit niyang concert.

PAK: Narinig naming nag-uusap ang dalawang reporter na katatapos lang interbyuhin ang isang hunk actor.

Pinag-uusapan nila si hunk actor na hindi pa rin daw nagbabago at wala raw talagang hygiene.

Naloloka raw sila sa makapal na tartar sa ngipin ni hunk actor. Nahihiya lang daw silang umilag sa nagtatalsikang laway habang ini-interview ito.

Mag-2015 na, hindi pa rin daw ba magbabago si hunk actor? Hindi ba ito aayusin ng maganda at sos­yalera niyang girlfriend?

BOOM: Nakipag-meeting na si Marian Rivera sa GMA-7 para planuhin ang career niya sa 2015 bilang Mrs. Marian Rivera-Dantes.

Kuwento niya sa kanyang 6th Bridal shower na ibinigay ng Belo Medical Group, bibigyan pa rin daw ng GMA-7 si Marian ng option kung gusto nitong ibalik ang dance show niyang Marian.

Pero sabi ng GMA Primetime Queen, depende daw kung hindi siya mabubuntis agad.

Type na type ng aktres na magkaroon agad ng baby at willing siyang isantabi ang career para sa kanyang pagbubuntis at pag-aalaga ng baby.

Kahapon ay binigyan din si Marian ng Eat Bulaga ng bridal shower. Bale iyun na ang pampito niyang bridal shower.

vuukle comment

ABANGAN

BELO MEDICAL GROUP

EAT BULAGA

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

MARIAN RIVERA

MRS. MARIAN RIVERA-DANTES

PERO

PRIMETIME QUEEN

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with