^

PSN Showbiz

Kaya laging may naiiwang alaala: Model-TV host kalat na kalat na ang katamarang mag-flush ng bowl

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagulat ang mga production staff nang marinig nilang nagtatalo sa dressing room ng isang TV station ang isang beking komedyante at ang isang model-TV host.

Napikon ang komedyante sa mga biro ng model-TV host, kaya ang ginawa ng beki, tinalak-talakan nito ang babaeng personalidad na may karelasyong aktor.

Kung anu-ano ang pinagsasabi ng komedyante, dabog pa ito nang dabog, sinisipa ang lahat ng kanyang mga nadadaanang kagamitan na ikinawindang ng female personality.

Ang kanilang pinagtalunan, ang paggamit ng comfort room, ang tagal-tagal daw kasi ng beking komedyante sa loob na ikinapanghal sa kahihintay ng model-TV host.

Natural, biniro ng babae ang beki, baka raw kung ano na ang ginawa nito sa CR, kaya sobrang tagal nito, na ikinapikon ng komedyante.

Ang agad na banat nito, “Hooooooy!!! Puwede ba, huwag mo nga akong sinasabihan ng ganyan! Ako, kapag lumalabas ako ng CR, mabango, malinis! Hindi tulad ng iba d’yan na inirereklamo, dahil hindi marunong mag-flush ng jebs!”

Nasaktan siyempre ang girl, truth hurts nga naman, dahil ilang beses na siyang pinagpipistahan ng mga utility ng network sa hindi niya pagpa-flush ng bowl kapag gumagawa siya ng milagrong hindi kagandahan ang amoy.

Nakakaloka ang babaeng ‘yun, kagaganda ng mga isinusuot niyang damit, na puro branded pa, pero hindi siya marunong mag-flush ng bowl. Palagi siyang nag-iiwan ng “alaala” tuwing gumagamit siya ng CR.

Nang ipagsigawan ng beki ang milagrong ginagawa ng model-TV host ay natahimik ang babae, napailing na lang, hindi kasi niya sukat akalaing kalat na kalat na pala sa buong network ang katamaran niyang mag-flush ng bowl.

“Hay, naku! Kumanta na lang tayong lahat! My heart goes… lalalalala!” humahagalpak pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

AiAi at ex-husband na si Jed naudlot ang pagkikita uli

Ipinag-adya ng panahon si Ai-Ai delas Alas. Imbitado siya sa victory party na regalo ni Governor Chavit Singson kay Pacman nu’ng Miyerkules nang gabi, pero biglang sumakit ang kanyang likod, kaya hindi siya nakarating.

Dahil wala siyang gaanong kakilala sa mga dadalo sa party ay plano pa naman sana niyang isama ang kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan para meron siyang kakuwentuhan bago siya mag-perform.

Maraming salamat daw sa pananakit ng kanyang likod dahil kung nagkataon, nagkita sana sila sa party ng nakahiwalay niyang karelasyon na si Jed Salang, may mga kaibigan pala ito sa Kia Team ni Pacman sa PBA.

Kahit pa sabihing pare-pareho lang silang imbitado du’n at wala silang karapatang kunin ang atensiyon ng mga bisita ay siguradong magkakaroon pa rin ng tensiyon kapag nagkita sina Ai-Ai at Jed.

At kung natuloy nga si Ai-Ai na kasama pa si Gerald, lalong magiging kumplikado ang sitwasyon, dahil isang ex at isang kasalukuyan niyang karelasyon ang nandu’n.

Ang haba-haba talaga ng buhok ng Comedy Concert Queen! Kung matinding lungkot at sakit ng damdamin ang iniwanang alaala sa kanya ni Jed ay napakaligaya niya naman ngayon sa piling ng kanyang beinte uno anyos na boyfriend na si Gerald Sibayan.

Babaeng pinagpala!

vuukle comment

AI-AI

COMEDY CONCERT QUEEN

GERALD SIBAYAN

GOVERNOR CHAVIT SINGSON

JED SALANG

KIA TEAM

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with