^

PSN Showbiz

Sa sobrang kalasingan, Arci Muñoz muntik mawasak ang mukha habang naghe-head bang

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bibigyan ng masayang welcome production number sa Sunday All Stars si Iya Villania-Arellano sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network.

Mga magagaling na biritera naman ng Kapuso network ang makakasama ni Regine Velasquez-Alcasid kung saan kakantahin nila ang mga greatest hits ng Asia’s Songbird.

PAK: Pagakatapos ng Undas ay dudulog ang komedyanteng si Inday Garutay sa NBI para pormal na magsampa ng kaso laban sa isang kontesero sa mga bikini contest na si Alexander King.

Itong si King ang nag-post sa kanyang Facebook account na pinaghahanap daw ng mga pulis si Inday Garutay, at may ninakaw daw na tablet sa kanya.

Pinabulaanan ito ni Inday Garutay dahil siya nga raw ang ninakawan ng tablet nitong si King. Biktima raw ng Cybercrime Law si Inday Garutay kaya pursigido itong mag­dedemanda kay King.

BOOM: Marami ang nawirduhan sa nangyaring freak accident sa Starstruck alumni na si Arci Muñoz kung saan halos masira ang mukha nito gawa ng pag-head bang niya habang kumakanta kasama ang mga kabanda niya.

Kasali na pala si Arci sa bagong teleser­yeng ABS-CBN 2 na Pasion de Amor na pagbibidahan ni Ellen Adarna.           

Kasama rin ang isa pang galing sa Starstruck na si Nadine Samonte.

May tahi pa raw ang ilalim ng mata ni Arci nang humarap ito sa story conference ng serye.

Si Ellen ang nagkuwento kung napaano ang aktres, pero marami ang nagtataka kung paano nangyari iyun.           

Ang sabi nila, dala lang daw ng sobrang kalasingan kung bakit napalakas ang pag­yugyog ng ulo at tumama ito sa microphone.

May ilang nagdududa kung talagang lasing nga lang ba talaga ito.

Tingnan na lang natin kung paano ito maipaliwanag nang maayos ni Arci.

vuukle comment

ALEXANDER KING

ARCI

ARCI MU

CYBERCRIME LAW

ELLEN ADARNA

INDAY GARUTAY

IYA VILLANIA-ARELLANO

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with