^

PSN Showbiz

Nanay at tatay ni child star parehong magkakaanak sa ibang karelasyon!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa susunod na buwan na magsisimula ang light fantasy drama series ng GMA-7 nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na More Than Words.

Pinagdudahan silang gimmick sa More Than Words ang pag-aming sila na, na sinagot ni Janine kahapon.

Sabi niya: “Hindi naman po planado ang pag-amin eh, nagkataon lang.

“Na-pressure lang kami nun. Saka, wala naman po kaming magagawa sa mga nag-iisip ng ganun. Wala naman kaming kailangang patunayan.”

Inamin ni Janine na si Elmo ang maituturing niyang seryoso kung ikukumpara sa mga nakaraan niyang  boyfriend na parang date date lang daw ‘yun.

PAK: Sa presscon din ng More Than Words ay pinagkaguluhan ng press ang dating sikat na love team na sina Rey “PJ” Abellana at Leni Santos.

Ito bale ang pagbabalik ni Leni sa pag-aartista pagkatapos niyang mawala sa showbiz ng 12 years.

Hindi maiwasang itanong kay PJ ang lovelife ng anak niyang si Carla Abellana.

Nagkakilala na sila ni Tom Rodriguez sa taping ng Don’t Lose the Money at sa pagkabasa raw niya sa Kapuso actor, mabait na tao raw ito.

Hindi rin maiwasang itanong sa kanya kung sino ang gusto niya kina Geoff Eigenmann at Tom.

“Mahirap kasi pagkumparahin dahil hindi pa naman kami nagkakilala nang husto ni Tom.

“Si Geoff naman kasi napakatahimik na tao. He’s more of the quiet type. I see somebody who’s out of show business, ‘yun ang dating ‘nya. Parang hindi showbiz ang personality niya,” sagot ng aktor.

Sinundan ito ng tanong kung kanino siya mas boto para sa kanyang anak.

“Sa akin kasi, I could comment in that question kung mas nakaka-jamming ko pa nang mahaba-habang oras o sitwasyon ‘yung tao. Para mas kumportable ako na masasabi ko kung makilala ko na ang tao,” safe niyang sagot.

BOOM: Nagulat kami nang nakita naming ma­laki na ang tiyan ng ina ng kilalang child star.

Hindi siya nabuntis ng ama ni child star kundi ng ibang karelasyon nito.

Matagal na palang hiwalay ang magulang ni kilalang child star at kaagad nagkaroon ito ng bagong karelasyon. Hindi nagtagal nabuntis siya.

Pero ang ikinagulat namin, may ibang karelasyon na rin daw ang ama ni child star at buntis na rin daw ito.

Kaya magkakaroon nga si child star ng dalawang bagong kapatid sa kanyang ina at sa kanyang ama.

Hay buhay!

vuukle comment

CARLA ABELLANA

ELMO MAGALONA

GEOFF EIGENMANN

JANINE

JANINE GUTIERREZ

LENI SANTOS

LOSE THE MONEY

MORE THAN WORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with