^

PSN Showbiz

Sarah waging Best Southeast Asia Act sa MTV Europe, may tsansa ring maging Best Worldwide Act

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Congratulations kay Sarah Geronimo dahil sa bagong  achievement niya, ang Best Southeast Asia Act sa 2014 MTV Europe Music Awards.

Mabilis na kumalat noong Huwebes ng gabi ang good news tungkol sa award na natanggap ng aking favorite singer/actress.

Dahil sa award na natanggap ni Sarah, malaki ang tsansa na siya ang maging regional nominee sa Best Worldwide Act kapag nakaabot siya sa regional category.

Maaaring bumoto kay Sarah ang kanyang fans at supporters sa October 29 sa website ng MTV Europe, ang www.mtvema.com.

Nakatakda ang MTV Europe Awards sa November 9 at  host ng programa si Nicki Minaj.

Startalk 19 years na sa ere

Ngayong October ang anniversary month ng Startalk na umere sa telebisyon noong October 1, 1995.

Ipagdiriwang  sa Startalk sa susunod na buwan ang aming 19th anniversary dahil out of the country si Joey de Leon.

Pupunta si Papa Joey sa London para dalawin ang kanyang anak at mula sa London, didiretso siya sa show ng Eat Bulaga sa Hong Kong.

Hindi magiging kumpleto ang anniversary show ng Startalk kung wala ang ibang co-host gaya ni Papa Ricky Lo na pupunta rin sa London sa second week ng November dahil may interbyu siya kay Jennifer Lawrence.

Sasamantalahin ni Papa Ricky ang pagkakataon dahil panonoorin din niya sa London ang Here Lies Love, ang musical tungkol sa buhay ni former First Lady Imelda Romualdez Marcos. Kasali sa cast ng Here Lies Love si Mark Bautista na ginagampanan ang role ni ex-President Ferdinand Marcos.

Malamang na interbyuhin na rin ni Papa Ricky si Mark para sa Startalk.

Pagpaparetoke ng suso ni Ellen libre kaya ipinangangalandakan

Hindi na shocking ang pag-amin ni Ellen Adarna sa presscon ng Ginebra San Miguel na peke ang kanyang boobs.

Hindi si Ellen ang unang sexy star na inamin na retokada ang  dibdib niya.

Hindi  idine-deny ni Ellen na nagpalaki  ito ng boobs dahil  siya ang celebrity endorser ng breast augmentation procedure ng Belo Medical Clinic ni Dra. Vicki Belo.

Marami ang mga aktres na nagpatsugi ng kanilang boobs pero inililihim nila dahil nagbayad naman sila, hindi kagaya ni Ellen na libre ang pagpaparetoke.

Pero wa naman give ng financial help young actress todo pa-interview nang dumalaw sa aktres na may sakit

Pinagtsitsismisan ang young actress na dinalaw sa ospital ang veteran actress na may sakit.

Naabutan ng young actress sa ospital ang mga reporter na nag-aabang sa mga celebrity na dadalaw sa veteran actress.

Na-appreciate ng mga kamag-anak ng veteran actress ang pagbisita ng young actress na hindi nagbigay ng tulong pero ganadung-ganado sa pagpapainterbyu sa mga reporter na nakabantay.

Mabuti pa  ang sikat na aktor na dumalaw  sa veteran actress na hindi ginawang big deal ang pagbisita pero nagbigay ng financial help na malaking tulong sa may karamdaman.

Pacman pumuslit na naman sa boxing training para mag-basketball

Tuluy-tuloy ang boxing training ni Congressman Manny Pacquiao  para sa nalalapit na laban nila ng American boxer na si Chris Algieri.

Nasaksihan kahapon ng media ang training ng Pambansang Kamao sa Pacman beach sa Sarangani province.

Nakumbinsi ang mga witness na  physically fit at ready na si Papa Manny na harapin ang boxer na humahamon sa kanya.

Nagawa pa ni Papa Manny na maglaro kahapon ng basketball na naisingit niya sa kanyang boxing training.

vuukle comment

ACTRESS

BELO MEDICAL CLINIC

BEST SOUTHEAST ASIA ACT

HERE LIES LOVE

PAPA MANNY

PAPA RICKY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with