^

PSN Showbiz

GF ni Enchong pinatataba ng kanyang Mama at Papa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naipakilala na raw ni Enchong Dee sa mga magulang ang kasintahang si Samantha Lewis kamakailan. Matagal-tagal na ring magkarelasyon sina Enchong at Samantha kaya naman ngayon ay malapit na sila sa pamilya ng bawat isa. “Two months ago, sumama siya sa Sunday mass tapos kumain kami after. From then on, niyaya na siya ni mama at papa. Sabi nila, ‘O, every Sunday sasama ka sa amin. Papakainin ka namin kasi ang payat-payat mo.’ So ‘yun ang goal nina mama at papa, na pakainin siya nang sobra. Wala na siyang dad, so ‘yung mom na lang niyayaya ko every time na magkasama kami,” nakangiting kwento ni Enchong.

Modelo ang kasintahan ni Enchong kaya naiintindihan na rin nito ang trabaho ng aktor. “Masaya at parang lahat ng trabaho ko ngayon ay naiintindihan na niya. From tours abroad to tapings to shootings to music videos. Unti-unti na rin nyang nakikilala ‘yung mga tao, my friends, my work. Nagiging part of it na siya,” pagbabahagi ni Enchong.

Naipakilala na rin daw ni Samantha ang binata sa mo­deling industry na kanyang ginagalawan. “Actually may deal kami. Sabi ko, sige sa Star Magic Ball ako ang magpapakilala sa mga friends ko, sa mga katrabaho ko. Pero pagdating sa Fashion Ball, ikaw naman ang magpapakilala sa akin kasi mundo mo ‘yon. So ginawa naman niya. So ako, sunod na lang nang sunod sa kanya,” dagdag ng aktor.

Angeline nahihirapan sa malaking boobs

Nahihirapan na raw si Angeline Quinto sa pagkakaroon nito ng malalaking dibdib. Minsan ay naiisip na ng singer na magpa-breast reduction dahil nagkakaroon na siya ng problema rito. “Sa totoo lang po, itong boobs ko ay nahihirapan ako minsan kasi sa sobrang laki. Akala ng iba ay nagpadagdag ako. Hindi nila alam namomroblema ako every time na mayroon akong show,” bungad ni Angeline.

Naikonsulta na rin ng dalaga ang kanyang problema kay Dr. Vicki Belo at nagpayo na rin ito sa kanya. “Sabi niya masakit, sobrang sakit daw kaysa sa magpapadagdag. So gawan na lang siguro ng paraan sa damit ko,” pahayag ng singer.

Minsan ay nabanggit na rin ni Angeline sa napababalitang espesyal ngayon sa puso ng dalaga na si Erik Santos ang planong pagpapabawas ng dibdib. “Actually sinabi ko kay Erik ‘yon. Nagalit siya sa akin. Nasa L.A. kami noon, sinabi ko na gusto kong pabawasan pero sabi niya, ‘Huwag na, kasi sisingilin ka niyan pagtanda mo.’ May point naman,” pagbabahagi ni Angeline. Reports from JAMES C. CANTOS

                    

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

DR. VICKI BELO

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERIK SANTOS

FASHION BALL

MINSAN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with