^

PSN Showbiz

Anak ni Kris fc na fc na sa GF ni James

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakuha ng almost 11,000 likes ang photo ni James Yap na kasama ang girlfriend na si Michela Cazzola with his son Bimby, anak ni James kay Kris Aquino at si Josh na anak naman ni Kris kay Phillip Salvador. Para silang one big happy family na ayon sa caption ni James ay ‘pizza night with my loved ones.’ Pang super chammy-chammy na rin ang dalawang bagets sa Italian GF ng basketbolista.

Pero ang joke sa nasabing photo: si Kris Aquino raw ba ang kumuha ng picture? O nag-yaya ba si Michela?

May ilan talagang fans na nakakalokang mag-comment kaya pag mahina ang loob mo sa social media, hindi ka papasa.

Anyway, ebidensiya ang nasabing photo na ayos na ayos na talaga sina Kris at James at malabo na uling magkaroon ng ‘iskandalo’.

KC BIBIGYAN NG BRIDAL SHOWER SI MARIAN

Bibigyan pala ng bridal shower ni KC Concepcion si Marian Rivera. Yup, friends daw ang dalawa ayon sa isang source. Pero walang binigay na details ang friend ni Marian na nagkuwento. Basta ang definite lang, kasama raw sa mga iimbitahan ang isa pang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

MEGAN IPAPASA NA ANG KORONA

Ngayong gabi na ipapasa ni Megan Young ang korona na nasungkit last year, ang Miss World Philippines, sa gagana­ping coronation night ng Miss World 2014 Philippines na mapapanood sa Sunday Night Box Office (SNBO) ng GMA-7.

Sina Janine Gutierrez, Gwendoline Ruais, and Mikael Daez ang magho-host ng coronation night at magpe-perform naman ang Kapuso artists na sina Jonalyn Viray, Maricris Garcia, Julie Anne San Jose, and Francheska Farr, with a special participation of Abra. 

Twenty-six aspiring beauty queens from all over the country and Filipino communities abroad ang mag-aagawan sa korona. Gaganapin ito sa Mall of Asia Arena.

Parang ang bilis lang. Naka-isang taon na pala si Megan Young kung saan may mga kapalpakan pa noon ang coronation night. ‘Yun pala siya ang magdadala ng kauna-unahang korona ng Mis World sa bansa.

Ang mga kandidata sa Miss World 2014 Philippines ay sina Lorraine Kendrickson, Cyra Guilalas, Alexa Kirby, Priscilla Kimberley dela Cruz, Gazini Christiana Ganados, Kristine Angeli Estoque, Rachel Louise Peters, Rachelle Emmylou Carandang, Ranielah Marie Oval, Grace Ann Bautista, Moriel Olea, Christine Balaguer, Kimberly Anne Sarreal, Nicole Donesa, Theresa Regli, Ina Dominica Guerrero, Kimberly Pajares, Ruffa Nava, Valerie Weigmann, Nelda Ibe, Jean Marie Feliciano, Abegail Galisim, Frances Ruth Constantino, Carina Jennah Aguilar, Eliza Johanna Cruz, and Jahziel Pernia.

Hindi na nga pala kailangang banggitin na magkikita ang magkarelasyong Megan and Mikael sa nasabing coronation night.

vuukle comment

ABEGAIL GALISIM

ALEXA KIRBY

ANGELICA PANGANIBAN

CARINA JENNAH AGUILAR

CHRISTINE BALAGUER

CYRA GUILALAS

ELIZA JOHANNA CRUZ

KRIS AQUINO

MEGAN YOUNG

MISS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with