^

PSN Showbiz

Gerald at Maja, nabiktima ng problema ng bayan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang cute ng report ng TV Patrol noong Miyerkules tungkol sa pagsakay nina Gerald Anderson at Maja Salvador sa motorsiklo para hindi sila maiwanan ng eroplano na sasakyan nila papunta sa US noong Martes.

Naisip ng magdyowa na sumakay sa motorsiklo bilang hindi umuusad ang mga sasakyan sa EDSA noong Martes dahil wala pang naiisip na solusyon ang gobyerno sa lumalala na traffic situation sa Metro Manila.

Kung hindi umisip ng paraan sina Maja at Gerald para makarating agad sa NAIA, baka sila pa ang nasisi dahil alam nila na bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang pesteng trapik.

Iba na ang panahon ngayon dahil ang mga pobreng Pinoy na ang nag-a-adjust sa mga problema ng bayan tulad ng trapik na siguradong may solusyon pero umiiral ang kawalan ng disiplina ng nakararami. Hindi naman puwedeng isisi palagi sa pamahalaan ang mga problema na mga tao rin ang may kagagawan.

Natuwa ako sa ginawa nina Maja at Gerald, kahit hindi original ang kanilang ginawa.

Noong nabubuhay pa si Rudy Fernandez, nakiangkas siya sa motorsiklo na isang lalake na hindi niya kilala.

Pinakiusapan ni Daboy ang good Samaritan na ihatid siya sa studio ng TV5 na ABC 5 pa ang pangalan noon dahil sa live guesting niya sa defunct showbiz talk show nina Aster Amoyo at Anselle Beluso, ang Isang Tanong Isang Sagot.

Likas na professional si Daboy na ayaw na ayaw nale-late siya sa kanyang mga commitment at appointment.

Dusa noon at hanggang ngayon naman ang trapik sa Quirino Highway na location ng ABC 5 Studio. Walang pakialam na bumaba ng sasakyan si Daboy at pinara ang lalake na nagmamaneho ng motorsiklo. Siyempre, tuwang-tuwa at proud na proud ang mhin dahil naging pasahero niya si Daboy.

Suspek sa pagpatay sa nanay ni Cherry Pie,baklita?!

Kumbinsido ako na baklita si Michael Flores, ang suspect sa pagpatay sa nanay ni Cherry Pie Picache.

Ramdam na ramdam ko ang pagiging vaklush ni Michael sa mga interbyu sa kanya  dahil sa  pagbigkas niya sa word na “Mother”.

 Matunog na “mother” ang tawag ni Flores kay Mrs. Zenaida Sison, ang pinaslang na nanay ni Cherry Pie.

Umamin si Michael na nasa impluwensya ito ng bawal na gamot nang mangyari ang krimen at meron siyang mga kasama sa pagpatay kay Mrs. Sison.

Itinanggi ni Michael na siya ang sumaksak ng maraming beses sa kawawang biktima. Siya lang daw ang look-out nang patayin at pagnakawan si Mrs. Sison.

Kahit sinasabi niya na hindi siya ang salarin, malaki ang pananagutan ni Michael sa batas dahil siya ang nagpapasok sa kanyang mga accomplice sa bahay ng ina ni Cherry Pie.

Binanggit ni Michael ang pangalan ng dalawang lalake pero hindi naman siya nakakatiyak sa tunay na pangalan ng mga kasama niya sa paggawa ng krimen.

Hindi ako magugulat kung lumitaw sa imbestigas­yon na katsugihan ni Michael ang isa sa dalawang mhin na sinasabi niyang pumatay kay Mrs. Sison.

Ang sey ni Michael, pakalat-kalat lamang sa lugar na malapit sa bahay ni Mrs. Sison ang mga ka­sabwat niya sa pagnanakaw at pagpaslang sa na­nay ni Cherry Pie. Inamin din ng baklita na kasama niya sa paggamit ng illegal drugs ang mga mhin na mahuli na rin sana sa lalong madaling panahon para mapagdusahan nila ang kanilang mga kasalanan.

Patuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police Department at  harinawa na may mga CCTV sa labas ng tahanan ng mga kapit-bahay ni Mrs. Sison dahil baka-sakali na nahagip ng mga CCTV ang mga lalake na tinutukoy ni Michael noong araw na nang­yari ang krimen. Kailangan nating tanggapin na nalulutas ng mga CCTV ang mga krimen na hindi agad nareresolba ng mga pulis dahil sa kawalan ng mga saksi at ebidensya, ‘di ba P-Noy?

 

vuukle comment

CHERRY PIE

DABOY

DAHIL

MICHAEL

MRS. SISON

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with