^

PSN Showbiz

Pelikula nina Dingdong at Anne, sa next year na itutuloy, naniwala sa kasabihan, Dingdong never nagregalo ng sapatos at pearl kay Marian

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Push back pala ang pelikulang pagtatambalan sana nina Dingdong Dantes and Anne Curtis.

Mismong ang magdidirek sana nitong si Ruel Bayani ang nag-confirm na February pa puwede si Dingdong dahil nga abala sa kasal nila ni Marian Rivera sa December 30.

Anyway, talaga palang sumusunod ang ikakasal na sina Dingdong at Marian sa kasabihan/pamahiin tungkol sa magkarelasyon at ikakasal.

Isa rito ang kasabihan na hindi puwedeng magregaluhan ng sapatos ang magkarelasyon dahil sabi nila baka raw apihin o tapak-tapakan ‘yung niregaluhan nung nag­regalo. Tinandaan din ni Dingdong na hindi puwedeng magregalo ng pearl dahil may paniniwalang malas ito sa magkarelasyon.

At ‘yung isang linggong hindi pagkikita bago ang kasalan,  gagawin din nila. Katuwiran ni Dingdong, meron namang , so walang rason para hindi sila magkausap ng kanyang magiging misis.

Wala pa rin silang venue ng reception. Basta ang sabi ng aktor, kinakausap pa nila kaya hindi pa niya ma-confirm.

Kaye damang si Paul Jake na ang makakatuluyan

Paano kung ang mistress ay magiging legal na asawa, at ang legal na asawa ay magiging mistress?

Ganyan ang magiging takbo ng kuwento ng seryeng papalit sa Sana Bukas Na Lang ang Kahapon, ang Two Wives, na mapapanood simula sa Lunes (Oktubre 13) base sa hit Koreanovelang Two Wives din na pagbibidahan nina Kaye Abad (Yvonne), Jason Abalos (Victor), at Erich Gonzales (Janine).

Inakala ng mapagmahal na inang si Yvonne na isang perpektong asawa at ama sa kanilang anak si Victor. Ngunit magbabago ang masaya nilang pagsasama sa pagkukrus ng landas nina Victor at dalagang inang si Janine.

Magsisimulang masadlak sina Victor at Janine sa bawal na pag-ibig sa pagpapanggap ni Victor bilang ama ng anak ni Janine. Dahil mahal na mahal ng single mom ang kanyang anak, nais niyang may kilalaning ama ito kaya naman uupahan niya si Victor para tumayong tatay nito kapalit ng mataas na sweldo kada buwan. Kasabay ng pagkahulog nila sa isa’t isa ay ang panlalamig naman ni Victor sa asawa niyang si Yvonne.

Labis na nasaktan si Yvonne nang nabuko ang sikreto ng asawa. Sinundan pa ito ng paghahain ng annulment ni Victor para lang makasama ang kalaguyo niya. Hanggang saan ang kayang gawin ni Yvonne para ibangon ang nayurakan niyang dignidad?

Ito ang unang pagkakataon na magbibida sina Kaye at Jayson. Si Erich kasi marami nang pinagbidahang mga palabas ng ABS-CBN. Si Kaye at matagal naging kontrabida lang at si Jayson ay pawang support din lang.

Hoping si Kaye na sa Two Wives ay bobongga ang career niya tulad sa nangyari kay Jodi Sta. Maria na sumikat nang husto sa Be Careful…

Samantala, ini-expect na rin ni Kaye na ang boyfriend na niyang si Paul Jake Castillo ang makakatuluyan niya. Lahat naman daw ng relasyon niya, lagi siyang nag-e-expect na sana sila na.

Strong ang foundation nila ng boyfriend na ex ni Melissa Ricks na preggy now sa kanyang non showbiz BF dahil dati silang magkaibigan ng ex PBB housemate bago nag-on.

vuukle comment

BE CAREFUL

DINGDONG DANTES AND ANNE CURTIS

ERICH GONZALES

JANINE

JASON ABALOS

JAYSON

JODI STA

TWO WIVES

VICTOR

YVONNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with