^

PSN Showbiz

Isinama si Coleen, Billy sinorpresa si Kuya Germs

RATED A - Aster Amoyo - The Philippine Star

Last Saturday, October 4 ang kaarawan ng Master Showman, star builder at veteran TV host ng long-running musical-variety show na Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA na si German “Kuya Germs” Moreno at may month-long celebration sa kanyang weekly midnight show sa Kapuso Network.

Sa unang episode which was aired last Saturday evening ay sinorpresa si Kuya Germs ng kanyang kaisa-isang unico hijo na si Federico Moreno at apat na apo na sina Deorel, Franchesca, Gabby, at Raffy. Halos maiyak si Kuya Germs.

Sa ikalawang episode which will be aired next Sa­turday, October 11 ay hindi napigilan ni Kuya Germs na maiyak nang dumating sa studio para batiin at sorpresahin siya ng kanyang itinuturing na kapatid at kapamilya since Sampaguita days na si Manay Ichu Maceda, panganay na anak ng Sampaguita Pictures icon na si Dr. Jose Perez at Mrs. Nene Vera-Perez na itinuring ni Kuya Germs na pangalawang magulang nung nabubuhay pa ang mga ito.

Kahit si Manay Ichu lamang among her siblings ang nakarating, napakala­king bagay na kay Kuya Germs ang presence nito sa kanyang programa na first time ginawa ng panganay na anak nina Dr. and Mrs. Perez na bihirang-bihirang lumabas sa telebisyon.

“Manay Ichu represents the entire Vera-Perez clan,” volunteers John Nite, pamangkin ni Kuya Germs at isa sa mga hosts ng Walang Tulugan with the Master Showman.

“Alam kasi ni Kuya Germs na hindi lumalabas si Manay Ichu kaya sobra siyang na-sorpresa nang dumating,” patuloy ni John na kararating lamang galing sa Russia nung Huwebes ng gabi.

“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung wala ako sa birthday presentation ni Kuya Germs,” aniya.

Dumating din sa studio ang isa sa mga original na anak-anakan ni Kuya Germs sa That’s Entertainment noon na si Billy Crawford (na isa nang Kapamilya ngayon) kasama ang kanyang Kapamilya GF at kasamahan sa It’s Showtime na si Coleen Garcia.

Nag-phone patched birthday greetings naman sina Gloria Romero (na isa rin sa pinakamalapit sa puso ng Master Showman), Manilyn Reynes at Gary Estrada bukod pa rito ang ibang mga Kapuso stars na dumaan sa studio para personal na batiin ang TV and movie icon.

Ano naman ang birthday wish ni Kuya Germs?

“Bukod sa good  health, gusto kong ipagpatuloy ang pagtuklas at pagtulong sa mga kabataan na matupad ang kanilang mga pangarap.” Aniya.

Now celebrating his 51st year in showbiz at mag­­na-nineteen years na in January ang kanyang Walang Tulugan with the Master Showman, umaasa pa rin si Kuya Germs na sana’y ibalik ng GMA management ang kanyang nawalang That’s Entertainment show na pinagmulan ng malalaking stars natin ngayon.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

DR. JOSE PEREZ

GERMS

KUYA

KUYA GERMS

MANAY ICHU

MASTER SHOWMAN

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with