^

PSN Showbiz

Naghahanap na raw ng ibang mga taong mamamahala: Network na magbabago ng management, gagalawin ang buong ‘organizational structure!’

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nakaka-sad naman kung totoo ang nasagap kong balita na naghahanap-hanap na ang bagong boss ng isang network ng mga bagong tao na papalit sa mga nagpapatakbo ng network sa kasalukuyan.

Sa pagbabago raw kasi ng management ng network, magbabago rin ang organizational structure ng nasabing network.

Mangyayari raw ang nasabing pagbabago anytime soon.

Marian may Kapuso Fans’ Day at pa-auction sa Pampanga

Bibisita ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa kauna-unahang pagkakataon sa Pampanga upang isagawa ang isang Kapuso Fans’ Day sa SM City Clark ngayong Linggo, Setyembre 28.

Simula 6:00 p.m., magkakaroon ng exciting games pati na rin ng thrilling performances. Makakasama niya bilang event host ang komedyanteng si Boobay.

Ang Pampanga ay ang 11th leg ng Kapuso Fans’ Day ni Marian ngayong taon.

Bilang Kapuso Adopt-a-Bang­ka Campaign Ambassadress naman ay bibigyan ni Marian ang kanyang mga tagahanga ng pagkakataong magmay-ari ng ilan sa kanyang mga paboritong damit sa pamamagitan ng auction na gaganapin sa Lewis Grand Hotel.

Matapos ang matagumpay na exhibit sa Cebu noong Agosto kung saan sold out ang 30 most memorable dresses ng aktres, muling nagbigay ng mga damit si Marian na ipapa-auction bilang bahagi pa rin ng Kapuso Adopt-a-Bangka Project. Ilan sa mga ito ay ang kanyang mga sinuot sa iba’t ibang TV guestings at regional promo tours.

 “Muli po akong magpapa-auction ng ilang mahahalagang damit na bumubuo sa aking makulay na buhay. Pinagdarasal ko na sana’y marami ang mag-participate upang higit nating matulungan ang mga kababayan natin sa Bantayan Island, Northern Cebu na isa sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Yolanda,” sabi ng aktres.

vuukle comment

ANG PAMPANGA

BANGKA PROJECT

BANTAYAN ISLAND

BILANG KAPUSO ADOPT

CAMPAIGN AMBASSADRESS

CITY CLARK

KAPUSO ADOPT

KAPUSO FANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with