^

PSN Showbiz

Paulo nagsalita sa pagbura ng pictures ni KC

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging usap-usapan ang pagbubura ni Paulo Avelino ng mga larawan ng napababalitang kasintahan ng aktor na si KC Concepcion sa kanyang Instagram (IG) account. Ano nga ba ang tunay na dahilan at ginawa ito ni Paulo? “Sa Instagram kasi ang theme ko is black and white. So parang nilinis ko lang sila lahat, lahat ng colored. Actually, ang dami ko talagang tinanggal, not just picture niya but also pictures with others. Tinanggal ko sila lahat. So if you see my page, it’s just black and white. It’s all quotes, films and me. Wala namang issue,” paglilinaw ni Paulo.

May mga napaisip na mukhang nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa kaya nagawa ito ng aktor. “Siguro nabibigyang malisya lang ng mga tao pero wala. We’re okay,” giit ni Paulo. Hindi na raw masyadong nakakasama ng aktor ang dalaga ngayon dahil pareho silang abala sa kanya-kanyang teleserye. Isa si Paulo sa mga bida ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon at si KC naman ay isa sa mga bida ng Ikaw Lamang. “Well busy pareho eh. May ginagawa rin akong movie ngayon. Ang hirap lalo pa ngayon may Cosmo (bachelor bash), may Bench (fashion show) pa. Ngayon, concentrate muna kami sa mga career namin. That’s what we’re doing right now,” pagbabahagi ng aktor.

Mas gusto raw ni Paulo na maging private na lamang kung anuman ang mayroon sila ni KC. “Ayoko nang bigyan ng malisya ng tao, but nothing has changed,” pagtatapos niya.

Daniel walang masamang tinapay kina Heart at Sen. Chiz

Wala raw nangyaring ilangan sa pagitan nina Daniel Matsunaga at dating kasintahan na si Heart Evangelista nang magkita kamakailan sa Star Magic Ball. Kasama ng aktres ang fiancée na si Senator Chiz Escudero nang makita at makausap nila si Daniel. “We just said ‘Hi!’ lang. I’m very happy for Heart and Chiz because they are getting married and I know she really worked hard for her whole entire life in showbiz, and she found the right guy for her. I met Chiz and sobrang bait, we even spoke sa Star Magic ball mismo and he even said to me, ‘Hey you got so skinny!’ ‘Yun I’m very happy for them. It’s a blessing that they’re getting married and I just wish they put God in front of everything,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Wala rin daw dapat maging isyu sa pagitan ng binata at ng aktres dahil naging magkaibigan sila pagkatapos maghiwalay noong 2012. “It’s actually reverse of what people are thinking because I’m very, very happy for Heart and Chiz. It’s normal eh, because it’s been three years na. It didn’t work and move on. It’s done so good thing that we’re still friends, good friends even though we broke up. I’m just very happy for her,” paliwanag ni Daniel.

                 Reports from JAMES C. CANTOS  

vuukle comment

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DANIEL MATSUNAGA

HEART AND CHIZ

HEART EVANGELISTA

PAULO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with