^

PSN Showbiz

Mutya ng Masa naghahanap ng mga Super Kasambahay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglulunsad ng isang search para sa Best Ka­sambahay ang Kapamilya current affairs program na Mutya ng Masa para bigyang pugay at pasayahin ang mga kasambahay na may angking talento at dedikasyon sa kanilang trabaho.

Exciting na mga sorpresa ang naghihintay para sa tatanghaling Mutya of the Universe, na pagpi­pilian mula sa 30 na kandidatang maglalaban-laban para sa titulo.

Inanyayahan ni Doris Bigornia ang mga ba­baeng kasambahay na 18 hanggang 45 taong gu­lang, single man o may asawa, na dumalo sa au­ditions ng Mutya of the Universe na gaganapin ngayong Linggo (Agosto 31) sa ABS-CBN Center Road mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM. Maaaring sumali ang mga kasambahay mula sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Magpaganda, magpamalas ng talento, at magpakitang gilas kung gaano kahusay sa trabaho sa audition at magdala lang ng bio data, kahit anong uri ng litrato at barangay certificate na nagpapatunay na ikaw ay isang kasambahay.

Mamimili ng 30 na kasambahay ang programa na siyang magtatagisan sa dalawang yugto: ang ta­lent competition na gaganapin sa Setyembre 6 at sa finals, tampok ang long gown competition at question-and-answer portion sa Setyembre 13.

 

vuukle comment

AGOSTO

BEST KA

CENTER ROAD

DORIS BIGORNIA

INANYAYAHAN

KAPAMILYA

METRO MANILA

MUTYA OF THE UNIVERSE

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with