^

PSN Showbiz

Maja nabawasan ang bashers nang makipag-ayos kay Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Maja Salvador na nabawasan na raw ang kanyang online bashers mula nang naging civil na ulit sila ni Kim Chiu sa isa’t isa. “Oo, parang wala. Okay naman na eh. Siguro nagising na rin sila. Meron pangilan-ngilan pero ‘yung nagke-create na lang ng biglaan na account. ‘Yung alam mong wala silang magawa ‘yung oras na ‘yun,” pahayag ni Maja.

Mapapansing madalas na ring magkasama sa mga production number sa  ASAP sina Kim at Maja. Maging si Gerald Anderson ay nakakasama rin ng dalawa sa iisang entablado. “Okay kami, okay kami sa ASAP. Makikita n’yo naman siguro sa mga mukha din namin. ‘Yun siyempre, sabi nga sa kanta ko din, dahan-dahan din talaga,” dagdag niya.

Wala raw problema kay Maja kung sakaling muli silang magkasama ni Kim sa isang teleserye. “I think lahat naman nakapag-move-on na. Parang lahat naman tayo tapos na ang kwentong ‘yun. Masyado nang luma so bakit mo pa babalikan ‘yung hindi magandang kwentong ‘yun. So sa positive lang tayo, sa magandang pangyayari at sitwasyon lang tayo,” giit ni Maja.

Samantala, isang bagong teleserye ang pinaghahandaan ng aktres ngayon. “Basta maswerte ako sa bagong teleserye and excited na ako na malaman ng lahat kung ano man nga ‘yun. ‘Pag na-announce na, I’m sure pati kayo mae-excite para sa akin and ‘yun dream come true na makasama ko itong magagaling na actor na ito,” pagbabahagi ng aktres.

Lyca marami nang natatanggap na damit at sapatos mula sa fans

Sikat na sikat na talaga ngayon ang The Voice Kids Grand Champion na si Lyca Gairanod. Naninibago raw ang bata dahil madalas nang may nagpapakuha ng litrato na kasama siya. “Hindi po ako makapasyal ng mall. Sa Tagaytay lang ako nakapasyal. Madami-rami rin nagpapa-picture. Okay lang ‘yun. Sa amin hindi naman ako pinagkakaguluhan. Pero pumupunta sila sa house tapos tinitingnan nila ‘yung itsura ko,” nakangiting kwento ni Lyca.

Masayang-masaya siya dahil marami na raw siyang naging kaibigan na artista katulad nina Kris Aquino at Daniel Padilla na ayon kay Lyca ay matagal na niyang crush ang aktor. “Very happy siya. Mabait po siya  at ‘pag kami nagse-selfie lagi siyang naka-salamin. Ayaw niyang pinapakita ‘yung mukha niya,” natatawang pahayag ni Lyca.

Bukod sa i-pad na ibinigay sa kanya ni Kris ay marami na rin daw siyang natatanggap na regalo mula sa mga tagahanga. “Madami na akong na-download na games. Ginagamit rin ng kapatid ko. Pati ‘yung mga damit ko, puro lang ‘yun bigay ng mga fans ko. Pati rin shoes ko,” kwento ni Lyca.

Samantala, makakasama si Lyca at iba pang The Voice Kids finalists ni Yeng Constantino sa anniversary show ng Resort’s World na gaganapin sa August 28. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DANIEL PADILLA

GERALD ANDERSON

GRAND CHAMPION

KIM CHIU

KRIS AQUINO

LYCA

MAJA

VOICE KIDS

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with