^

PSN Showbiz

Pabaliktad nga lang tatlong taong anak nina Ogie at Regine mahusay nang magbasa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malakas ang kutob ko na gifted child ang anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nate.

Imagine, three years-old pa lamang si Nate pero marunong na siya na magbasa. ‘Yun nga lang, pabaliktad si Nate na magbasa but still, nakabibilib ang bagets.

Hindi ko lang alam kung ‘gifted’ din si Nate tulad ng kanyang ama.

Basta ang sabi ni Ogie,  madalas na sinasabi ni Nate na strong siya, sabay turo sa kanyang “angry tweety bird”.

Natatawa na lang sina Ogie at  Regine sa mga dialogue ng kanilang anak na walang kamali-malisya sa katawan.

Anne at Sam ipapakita ang pagiging gifted

In na in ang gifted word dahil sa The Gifted, ang coming soon movie ng Viva Films.

Parehong gifted sina Anne Curtis at Sam Milby, ang ex-lovers na lead stars ng pelikula na showing sa mga sinehan sa September 3. Kung paano sila na­ging gifted, panoorin ninyo ang The Gifted dahil to see is to believe.

Nate parang matandang kumilos

Maraming kuwento si Ogie tungkol sa mga nakakatuwa na ginagawa at sinasabi ni Nate.

Pumapasok na si Nate sa isang school para ma-feel niya na bata pa siya.

Napansin kasi nina Ogie at Regine na parang matanda na kung kumilos at magsalita ang kanilang anak. Nag-decide sila na ipasok sa school si Nate para maranasan nito na makipaglaro at makihalubilo sa ibang mga  bata na kasing-tanda niya.

Makasaysayang eksena nina Mother Lily at Alfie kalat na kalat ang video

Ikinuwento rin ni Ogie sa pocket presscon ng Throwback Thursday na napanood niya ang makasaysayan na eksena nina Mother Lily Monteverde at Alfie Lorenzo sa presscon ng Somebody to Love.

Naniniwala na ako na marami ang nakapanood sa video dahil sa mga lumalapit sa akin at nagsabi na napanood nila sa Internet ang unedited version.

Hindi nagbabago ang sagot ko sa mga lumalapit sa akin, malalim at matagal ang pinagsamahan nina Mother at Alfie kaya darating ang araw na magkakasundo sila.

JoAnne hindi na nahanap

Hindi na nahanap ni Ogie si JoAnne Lorenzana, ang singer ng hit song na I’ll Never Let You Go.

Gustung-gusto ni Ogie na imbitahan si JoAnne sa Throwback Thursday pero may nakapagsabi sa kanya na nasa ibang bansa na ang mang-aawit na may kontribusyon sa singing career niya.

Hinding-hindi malilimutan ni Ogie na nagsimula siya bilang back up singer ni JoAnne. Kita n’yo naman, mas nagtagal pa ang entertainment career ni Ogie kesa kay JoAnne.

Tinawag na hipon ang mga babae Ramon Bautista idedeklarang persona non grata ng Davao

Offensive ang hipon joke ng comedian na si Ramon Bautista kaya dapat lang na nag-apologize siya sa mga kababayan natin sa Davao.

Hipon ang tawag sa mga tao na magaganda ang katawan pero hindi ang mukha at tinawag ni Ramon na mga hipon ang mga kababaihan sa Davao sa isang event na dinaluhan niya.

Lumaki na ang isyu dahil sa kabila ng kanyang public apology, may panawagan na ideklara si Bautista bilang persona non grata sa Davao City.

Ang former mayor ng Davao na si Sarah Duterte ang nangunguna sa panawagan na ideklara si Bautista na persona non grata as in hindi na siya puwedeng tumuntong sa Davao.

Aral sa lahat ang nangyari kay Bautista, lalo na sa mga komedyante na ginagawang katatawanan ang pisikal na anyo ng ibang mga tao.

Binuweltahan si Bautista ng mga Davaoenos dahil tinawag din siya na hipon dahil sa kanyang insensitive na biro.

 

vuukle comment

BAUTISTA

DAVAO

GIFTED

NATE

OGIE

RAMON BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with