^

PSN Showbiz

Darren kailangan ng album para maka-recover sa ginastos

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang mabibigyan ng pagkakataon ng ABS-CBN ang dalawang batang lalaking runners up sa The Voice Kids  na ma-try ang local showbiz. Ito ang taga-Canada na si Darren Espanto at si Juan Karlos. Baka mabigyan ng recording contract si Darren para naman masulit ang ginastos nila ng pamilya niya para maipadala siya rito, ‘di pa kasama ang pag-a-absent ng kanyang ama sa trabaho nito para lang siya masamahan. Si Juan Karlos naman ay kasama na sa seryeng Hawak Kamay.         

Child wonder hindi ginagawa, nangyayari lang

Gagawing child wonder daw ng isang network ang anak ni Niño Muhlach! Ginagawa ba ‘yun? Hindi nagiging child wonder ang isang bata just by plan alone. Nangyayari ito kung talagang may talent siya at kakasihan ng swerte. Obviously napaka-cute ng bata at talented, pero hintayin natin ang gagawing pagtanggap sa kanya ng publiko. 

DJ Mo panay pa rin ang epal

Bakit nga kaya kahit wala na sa bansa ang DJ na si Mo Twister ay napag-uusapan siya na parang nari­riyan lang sa tabi-tabi?

Ang tagal na niyang wala sa bansa, pero nagagawa pa rin niyang makaapekto nang hindi maganda sa marami nating artista, ang galing naman niya!

Ito ang disadvantage ng social media. Kayang makipag-away ng mga tao na nang walang pisikalan. Damdamin lang ang nasasaktan.

 

vuukle comment

DARREN ESPANTO

HAWAK KAMAY

JUAN KARLOS

MO TWISTER

SI JUAN KARLOS

VOICE KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with