^

PSN Showbiz

Aljur gusto nang makipag-ayos sa GMA!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Gusto rin naman ni Aljur Abrenica na makipag-ayos sa GMA, pero sa isang panayam sa kanya na nabasa ko hinahangad niya na sana raw ay mabasa ng pamunuan ng GMA ang interview niya para malaman nila ang saloobin ng aktor.  

Bakit kaya hindi na lang siya ang kusang lumapit at magpakababa dahil siya naman ang nagpasimuno ng gulo dahil sa ginawa niyang pagdi-demanda  sa network? I’m sure hindi naman nila siya tatanggihan ito. Kesa naman pabayaan na lamang niya ang pinaghirapan din naman niyang career at mag-concentrate na lamang sa ibang bagay.

Mommy Divine hindi pa rin kayang pagsolohin si Sarah

Sinasabing isang kawalan ng pagtitiwala sa kanyang anak na si Sarah Gero­nimo ang hindi pagpayag ng kanyang ina na si Mommy Divine na sumama itong mag-isa sa boyfriend na si Matteo Guidicelli. Hindi lamang sa kanilang paglabas-labas kundi lalo na sa binalak nitong pag­­punta ng Cebu para suportahan si Matteo sa triathlon event nito. Hindi kay Sarah walang tiwala ang kanyang ina kundi sa oportunidad na baka matukso ang kanyang anak at makagawa ng isang kasalanan na pinakakaiwasan niya. Wala namang magsasabi na masama ang gagawin niya kung sasamahan niya o pasasamahan niya si Sarah. Hindi nga naman maganda para sa isang babae, in general, na sumasamang mag-isa sa kanyang nobyo. Palaging na­roro’n ang temptation na baka hindi nila mapaglabanan.

Anak ni Boyet, bata pa lang nang unang maoperahan

Kung si Mo Twister ay sinisira ang  imahe  ng social media dahil sa mga kabulastugang kanyang pinaggagagawa, malaki naman ang pasasalamat dito ng aktor na si Christopher de Leon dahil sa pamama­gitan ng social media ay naipapaabot sa kanya ng maraming tao ang kanilang pag­darasal para sa paggaling ng madali  ng kanyang anak na may karam­daman. Kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa Amerika ang kanyang anak na isinilang nang may ganitong karamdaman. Katunayan limang taon pa lang ito  nang unang sumalang sa isang operasyon.

 

vuukle comment

KANYANG

MATTEO GUIDICELLI

MO TWISTER

MOMMY DIVINE

NIYA

SARAH GERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with