^

PSN Showbiz

Puwede raw pagdausan ng kasal, Vera Perez Gardens libre kina Marian at Dingdong!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Bagaman at gusto yata ng magdyowang Ding­dong Dantes at Marian Rivera na makasal sa Im­maculate Conception Church na madalas pagsimbahan ni Dingdong at ng pamilya niya baka mag­­bago pa rin ang isip nila at gawin ang wedding sa ibang simbahan o ilagay ito sa isang garden na tulad ng iniaalok ng pamilya Vera Perez sa kanila.

Pwede nga namang ganapin ang kasal at ma­ging ang reception sa iisang lugar tulad nang ma­ipagkakaloob ng kabubukas pa lamang na Vera Perez Gardens na ginawa nang isang napakagan­dang events place ng mga anak ng dating prodyu­ser ng mga pelikula na si Dr. Jose R. Perez at Azucena “Nene” Vera Perez.

Nakatakdang pasyalan nina Dingdong at Ma­rian ang lugar para makita kung magiging ideyal ito sa kanilang pag-iisang dibdib. Kung magugustuhan nila, maari na rin nilang  gawin dito ang reception ng kanilang kasal. Bukod sa naglalaman ang lugar ng maraming tao na inaasahan sa isang royal wedding ng katulad sa dalawang Kapuso stars, kilalang mahusay na caterer ang mga Vera Perez children.

Mga nagmamaanghang kay Nora, walang nagawa

Congrats kay Nora Aunor sa pagkapanalo niya ng Best Actress sa Cinemalaya X. Asan na ‘yung mga namimintas at nagmamaanghang sa kanya porke natalo siya sa mga nakaraang laban bilang Best Actress. Hindi porke natalo ka eh bobo ka na. Pana-panahon lang ‘yan. Nora can’t win them all. Pero at least she’s still fighting it out.

 

vuukle comment

BEST ACTRESS

CINEMALAYA X

CONCEPTION CHURCH

DR. JOSE R

MARIAN RIVERA

NORA

SHY

VERA PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with