^

PSN Showbiz

Gina at Gloria parehong walang kapaguran sa pag-arte

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi nawawalan ng proyekto sa bakuran ng ABS-CBN si Gina Pareño, ganoon din ang nangyayari sa award-winning veteran actress na si Gloria Romero sa bakuran naman ng GMA.

At 80, Gloria is thankful sa patuloy na tiwala sa kanya ng GMA.  She is currently seen sa top-rating inspirational drama series na Nino with Miguel Tanfelix playing the lead role directed by Maryo J. de los Reyes. Si Gloria ay isa sa mga major and bankable stars noon ng Sampaguita Pictures.

Kung si Gina ay para ring resident actor ng ABS-CBN, ganoon din ang nangyayari ngayon sa iba pang aktor tulad nina Albert Martinez, John Estrada, Ronaldo Valdez, Eddie Garcia, Cherrie Pie Picache at iba pa na hindi nawawalan ng sunud-sunod na projects sa Kapamilya Network although wala silang exclusive contract with the network and they can freely accept offers from other TV stations. 

Iza wala nang pahinga

Grabe ang schedule ngayon ng isa sa mga alaga ni Noel Ferrer na si Iza Calzado na kabi-kabila ang projects.

Ongoing ang bagong TV series ni Iza sa ABS-CBN, ang Hawak Kamay na pinagtatambalan nila ni Piolo Pascual at may pelikula itong ginagawa ngayon sa bakuran ng Star Cinema, ang Maria Leonora Teresa.  Busy rin siya sa promo ng indie movie na Barber’s Tale na ipapalabas na ngayong August 13 at may isa pang movie na malapit na ring ipalabas, ang Somebody To Love.

Dapat sana’y mapapasama si Iza sa MMFF movie ni Robin Padilla pero nag-beg off na ito dahil hindi na kakayanin ng kanyang schedule. 

Sa totoo lang, ngayon lang naging ganito kaabala si Iza.

Nag-iba ang premium ng actress magmula nang siya’y maging Kapamilya.

Kung maganda ang takbo ng career ngayon ni Iza ganoon din naman ang kanyang lovelife dahil smooth-sailing ang relasyon nila ni Ben Wintle.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

BEN WINTLE

CHERRIE PIE PICACHE

EDDIE GARCIA

GINA PARE

GLORIA ROMERO

HAWAK KAMAY

IZA

IZA CALZADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with