^

PSN Showbiz

Dingdong inasalto ni Marian: Nakabuntis kay Melissa ex pala ni Sunshine Dizon

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Walang presscon para kay Sunshine Cruz na hindi nito binabanggit si Cesar Montano.

Si Sunshine ang madalas na unang nagsasalita tungkol sa kanyang estranged husband. Nagiging news worthy si Sunshine dahil kay Cesar.

SCENE : Dedma ang mga Pilipino sa panawagan ni Kris Aquino na ipagdasal na mabuhay si P-Noy dahil uunahin ng mga Pilipino na ipagdasal na umunlad ang Pilipinas  para mabuhay sila.

SEEN : May attempt si Kris Aquino na magkaroon ng simpatiya ang mga Pilipino kay P-Noy dahil sa emotional speech nito sa SONA.

Hindi dapat ginagawang drama ang sitwasyon dahil ginusto ni P-Noy na maging pangulo ng bansa.

SCENE : Pormal na ipapakilala ngayong hapon ni Melissa Ricks sa The Buzz ang kanyang boyfriend na ama ng sanggol na ipinagbubuntis niya.

SEEN : Ex-boyfriend ni Sunshine Dizon ang former commercial model na boyfriend ni Melissa Ricks.

SCENE : Hindi natuloy ang pagsosyo ni Marvin Agustin sa isang restaurant dahil hindi pa raw siya nababayaran sa reality show na pinrodyus niya, ang Karinderya Wars.

SEEN : Si Hayden Kho, Jr. ang escort kahapon ni Dra. Vicki Belo sa 50th wedding anniversary celebration nina Amparito at Michel Lhuillier, ang mga magulang ng sikat na Filipina fashion designer na si Monique Lhuillier.

SCENE : Ang asalto sa Manila Peninsula noong Biyernes nang gabi ang sorpresa ni Marian Rivera sa 34th birthday ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

vuukle comment

CESAR MONTANO

DINGDONG DANTES

KARINDERYA WARS

KRIS AQUINO

MANILA PENINSULA

MARIAN RIVERA

MELISSA RICKS

P-NOY

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with