^

PSN Showbiz

‘Bawal ang Maingay’, ni Goma sa TV5 gagamit ng napaka-sensitive na device!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuhos ang kakaibang saya tuwing Linggo ng gabi sa nalalapit na pagbubukas ng pinakabagong comedy game show ng bayan, ang Quiet Please! Bawal ang Maingay! simula ngayong Agosto 10, 8:00 p.m. sa TV5.

Tiyak na naiiba ang bagong handog na ito ng Kapatid Network dahil sa Quiet Please! Bawal ang Maingay, dadaan sa iba’t ibang exciting challenges ang mga con­testants kung saan hindi nila puwedeng ma-alerto ang “noise-meter” (isang napaka-sensitive na device na tumutunog kapag na-reach ang par­tikular na noise level na limit nito).

Sa madaling salita, para mauwi ng mga contestant ang bonggang grand prize ng prog­rama, kinakaila­ngan nilang magtagumpay sa bawat round nang walang ginagawang anu­­mang tunog o ingay—nakakaloka di ba?

Bukod sa kakaibang konsepto ng programa, kaabang-abang din ang pagbabalik-telebisyon ng isa sa mga ultimate heartthrobs sa industriya ng Philippine showbiz na si Richard Gomez, na siyang napili ng TV5 na mag-host ng Quiet Please! Bawal ang Maingay.

Makiki-join naman bilang co-host ni Goma ang komed­yanteng si K Brosas, na siguradong magdadagdag sa saya at katatawanan.

All set na ngang ‘mag-ingay’ ang pinakabago at pinakakakaibang palabas ng TV5, kaya’t dapat abangan ang pagsimula ng Quiet Please! Bawal ang Maingay tuwing Linggo ng 8:00 p.m. ng gabi, simula Agosto 10, sa TV5!

 

vuukle comment

AGOSTO

BAWAL

K BROSAS

KAPATID NETWORK

LINGGO

MAINGAY

QUIET PLEASE

RICHARD GOMEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with