^

PSN Showbiz

Mga bida sa pelikula para sa mga guro, nagtiis na maglakad ng pitong kilometro

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Naikuwento ni Bobby Benitez, director ng pelikulang Edukasyon: Debosyon ng Isang Guro na sobrang hirap ang tiniis nila habang ginagawa ang movie. Ang location ay sa Mangatarem, Pangasinan at sa isang liblib na kabundukan nagsyuting ang cast.

Ikinuwento pa ni Direk na pitong kilometro ang kanilang nilakad bago marating ang kabundukan. Kailangan din nilang tumawid ng ilog kaya dusa ang inabot ng lahat.

Anang director ‘‘Kahit ang prodyuser namin na si Jovy Sebastian ay umakyat din ng bundok kung saan nakakatawa nga dahil naka-heels pa ito. Hindi siya nagtapak dahil masukal sa dadaanan at may mga batu-bato pa na pwe­deng makasugat sa talampakan. Tiniis niyang makalakad sa masukal na bundok para lang makarating sa location.’’

Ang Edukasyon: Debosyon ng Isang Guro ay naglalayon na maiparating sa lahat ng manonood kung gaano kadakila ang isang guro na mas piniling magturo sa liblib ng kabundukan kapalit ng mas mataas na suweldo sa kabayanan.

Tampok si Dianne Medina na gumaganap na isang guro. Bilang si Estrella mas pinili niyang magturo sa isang bulubundu­king lugar sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas para sa mga kapus-palad na mga bata. Siya ang tumatayong pangalawang ina ng mga ito.

Tumandang dalaga si Estrella at mas piniling makasama ang mga batang tinuturuan kaysa magpakasal sa kasintahan na ginampanan ni Leandro Baldemor.

Pitong taon nang mag-dyowa, Dianne wala pang balak pakasal kay Rodjun

Magkarelasyon pala sina Dianne Medina at Rodjun Cruz kung saan pitong taon na silang magnobyo. Siya ang host ng isang show sa TV 5 at naging talent din ng ABS-CBN.

Magkasundo sina Rodjun at aktres sa maraming bagay at kahit parehong artista ay ‘di umiral sa kanilang puso ang selos dahil may tiwala sila sa isa’t isa.

Pero malabo pa silang lumagay sa tahimik dahil focus muna sila sa trabaho at mag-iipon pa.

Palabas na ang Edukasyon sa July 23 under JMS Productions.

 

vuukle comment

ANG EDUKASYON

BOBBY BENITEZ

DEBOSYON

DIANNE MEDINA

EDUKASYON

ESTRELLA

ISANG

ISANG GURO

JOVY SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with