^

PSN Showbiz

Tates Gana at anak nila ni Mayor Herbert mailap sa isyu kay Kris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa August 1 hanggang 10 na ang Cinemalaya Independent Film Festival na nasa ikasampung taon na.

Kaya malaking paghahanda ang ginagawa ng Cinemalaya Foundation na kung saan magbibigay sila ng Cinemalaya Achievement Award sa mga filmmaker o organisasyong nag-ambag ng malaki sa Philippine Independent Cinema.

Kung may Vilma Santos nung nakaraang taon, meron namang Nora Aunor ngayong taon, at meron ding partisipasyon si AiAi delas Alas.

PAK: Kinikilig si Rocco Nacino nang na-interview ito sa Sunday All Stars kamakalawa ng hapon.

Tuwang-tuwa siya nang aminin ni Lovi Poe sa Startalk na sila na. Bihira lang umamin si Lovi ng mga nakarelasyon niya, dahil mas gusto raw sana nitong huwag nang isapubliko ang love life niya. Pero kay Rocco, proud ang Kapuso actress na inaming sila na ngang dalawa.

Tuwang-tuwa si Rocco na kinuwento sa mga reporter na sa Eiffel Tower sa Paris daw siya sinagot ni Lovi. Kaya sobrang memorable daw sa kanya ang bakasyon nila sa Europe dahil sa doon na nga raw sila naging officially mag-on. Nangako ang aktor na magiging tapat at patuloy niyang mamahalin si Lovi.

BOOM: Umiiwas ang dating partner ni Mayor Herbert Bautista na si Tates Gana sa mga reporter na nag-cover sa premiere night ng pelikulang Kamkam kamakalawa ng gabi sa SM North, The Block.

Dumalo lang  siya para suportahan ang 17-year old daughter nila ni Mayor Herbert na si Athena Bautista.

Maingat si Athena sa mga sagot niya kapag tungkol kay Kris ang tinatanong.

Hindi talaga siya nagkomento, at ngumingiti na lamang siya kapag nasisingit si Kris sa tanong.

Hindi rin malinaw ang sagot niya tungkol sa napabalitang pagbabalikan ng kanyang Mommy at Daddy.

Sabi lang ni Athena; “Siyempre po, gusto ko po okay ‘yung pamilya namin. Wala namang taong humihiling na magkagulo po. So, masaya po ako. Okay naman po kaming lahat.”

vuukle comment

ATHENA BAUTISTA

CINEMALAYA ACHIEVEMENT AWARD

CINEMALAYA FOUNDATION

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

EIFFEL TOWER

KAYA

LOVI

LOVI POE

MAYOR HERBERT

MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with