^

PSN Showbiz

Kris TV, triple ang sorpresa!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng ika-tatlong anniversary ng Kris TV ngayong Hulyo, may sorpresang hatid sa mga Kapamilyas ang inyong paboritong morning talk reality program --- tripleng EXCITEMENT, trip­leng EXCLUSIVES, tripleng EXPERIENCE! 

Pani­bagong milestone sa Phi­lippine TV ang magaganap sa pagbisita ni Kris Aquino sa Duma­guete at Siquijor kasama ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda na kikilalanin ang mga Kapamilyang naninirahan doon at aalamin kung paano nila napa­panatiling buo ang kanilang kultura. Ipapakita rin ang kagandahan ng probinsya at buburahin ang negatibong impresyon tungkol sa mystical island. 

Kasabay naman ng Asia Rainbow TV Awar­ding sa Macau kung saan itinanghal ang Queen of All Media bilang ‘Outstanding Program Hostess’, gagalugarin nina Kris at Melai Cantiveros ang naturang lugar at titkman ang iba’t ibang authenthic Macanese cuisine. Magiging bahagi din ng espesyal na Kris TV Asian Adventure ang ibang Kapamilya doon. 

Para sa ikatlong leg ng EXCITING adventure, lalakbayin naman nina Kris at Pokwang ang pinakamalaki at most culturally significant city sa northern Thailand, ang Chiang Mai. 

Isang masarap na pagsasalo naman ang magaganap sa tahanan ni Kris kasama sina Carmina Villarroel-Legaspi, Pokwang,  at Judy Ann Santos-Agoncillo na maghahanda ng kani-kaniyang specialties para sa mga loyal Kris TV viewers. 

May talk at musical special para ipagdiwang ang buhay at pag-ibig kasama ang Phenomenal Box-office star na si Vice Ganda. Another first on Kris TV, sasamahan ni Angel Locsin si Kris Aquino sa paghahanap ng budget-friendly na kainan hanggang high-end dining destinations sa metropolis. 

Imbitado ang 300 Kapamilya viewers mula sa 3 main island group ng bansa – Luzon, Visayas, at Mindanao, sa isang grand family fun day. Ang mapipiling pamilya ay makikipagsaya sa pinakamalaking amusement park ng bansa, ang Enchanted Kingdom, free admission at exclusive sa Kris TV. 

Simula ngayong July 7, times three ang inspiration, times three ang discove­ries, times three ang love. Sa pagpapatuloy ng kakaibang adventure at expe­rience… Kris TV is 3!

 

ANGEL LOCSIN

ASIA RAINBOW

ASIAN ADVENTURE

BOY ABUNDA

CARMINA VILLARROEL-LEGASPI

KRIS

KRIS AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with