^

PSN Showbiz

Crystal clear na may pangangailangan: Sexy aktres na ‘di kagandahan kating-kating mapalapit sa mayamang pulitiko

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Panay ang ungot ng isang sexy star sa isang beteranang aktres kung puwede siyang ipakilala nito sa isang kilalang pulitikong milyonaryo at mahilig sa babae.

Lagi-lagi ‘yun pero nagtetengang-kawali ang beteranang aktres na malapit sa milyonaryong pulitiko. Sa kabila nu’n ay sige-sige pa rin ang kanyang pakiusap, sana raw ay makilala niya ang pulitikong ‘yun na maraming artista na rin ang nakakarelasyon, mukhang Spell M (read: may matinding pangangailangan) ang sexy star.

Kuwento ng aming source, “Nakarelasyon din ng sexy star na ‘yun ang isang bar owner na hindi dito naninirahan. Papunta-punta lang dito ang lalaki, based siya sa ibang bansa dahil nandu’n ang iba pa niyang negosyo.

“Ang businessman na ‘yun ang nagpatayo ng bahay niya, maluho si ____(pangalan ng sexy star), lalo na ang mommy niya. Parang siya na lang kasi ang inaasahan ng family niya,” kuwento ng aming impormante.

May mga kamag-anak ding artista ang sexy star, pero wala siyang maaasahan sa mga ito, pare-parehong kapos ang kanyang mga kadugo at ayaw pa ngang huminto ang mga kuwento ng hindi pagbabayad ng utang ng isa niyang direktang kamag-anak.

 “Napaka-Spell M talaga niya. Tawag siya nang tawag kay ____(ang milyonaryo at babaerong may-edad nang pulitiko).

 “Hindi naman siya kagandahan, pero sexy nga siya at ang kutis niya, makinis, as in crystal clear,” pagbibigay ng clue ng aming impormante.

Ubos!

Alwyn kinaiinggitan ang kabaklaan!

Pambanlaw namin mula sa maghapong pagod at stress ang Beki Boxer. Masarap humalakhak kapag pagal ang katawan mo, masarap makipag-apiran sa mga kasama mo sa bahay na aliw na aliw rin sa galing umarte ni Alwyn Uytingco, kinukumpleto ng TV5 ang aming maghapon dahil sa Beki Boxer.

Lalo na ngayon, kumalat na ang video na naglalantad sa kabadingan ni Rocky, parang sa tunay na buhay ang daloy ng kuwento dahil may nagnakaw sa telepono ng kanyang kaibigang si Joross Gamboa kung saan nandu’n ang mga kalokahan ng boksingerong beki.

Napakakyondi naman kasi talaga ni Rocky sa video, kuhang-kuha niya ang pag­kendeng-kendeng ng isang bading, samantalang sa totoong buhay ay lalaking-lalaki siya.

 ‘Yun ang kaibahan ni Alwyn Uytingco sa ibang aktor na gumaganap na bading. Wala siyang effort, walang inhibisyon, natural na natural ang kanyang dating.

Hindi niya problema kung makulong man siya sa mga ganu’ng klase ng papel, alam niya ang katotohanan, isa si Alwyn sa mga artistang puwedeng magsabi na ang lahat ay trabaho lang dahil walang-wala siyang kalansahan sa katawan.

Ang kanyang pagkembot, ang pag-ikot-ikot ng kanyang mga mata, ang naghuhumitad niyang boses na akala mo’y bading siya sa tunay na buhay. ‘Yun ang meron si Alwyn Uytingco na puwedeng maging dahilan ng insekuridad ng ibang artistang nagbabading-badingan.

Sana’y huwag mabakante sa TV5 ang magaling na batang aktor, sana’y magbida uli siya sa isang katatawanang seryeng tulad ng Beki Boxer, sana’y maraming-marami pang ibang personalidad na ipanganak na may suwabeng atakeng tulad ng kay Alwyn.

At sa malapit nang pagtatapos ng Beki Boxer ay gusto naming pasalamatan ang lahat-lahat ng bumubuo ng pangkomedyang palabas, lalo na si Alwyn Uytingco, sa mga halakhak na pinalipad namin sa hangin dahil sa kanyang angat na pagganap bilang bading na kampeong boksingero.

At maraming-maraming salamat, TV5.

vuukle comment

ALWYN

ALWYN UYTINGCO

BEKI BOXER

JOROSS GAMBOA

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with