^

PSN Showbiz

Dingdong balik na sa pagpatay ng aswang

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ang balik nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera mula sa New York kung saan sila nagkita at sabay nang umuwi ng bansa. Nang ma­ka­usap sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real, uma­asa pa lang ang aktor na ma­pasali ang movie niyang Kubot: The Aswang Chronicles sa MMFF (Metro Manila Film Festival), ngayong official entry na ang movie, magre-resume na sila ng shooting na natigil pansamantala.

Kuwento ni Dingdong, matindi ang special effects ng movie at tantiya niya, by September ay tapos na ang post-pro­duction nila. Produced ang movie ng Agosto Dos Productions niya, Rea­lity Entertainment ni Dondon Monteverde at GMA Films.

Ang alam lang naming kasama ni Ding­dong sa cast ay sina Joey Marquez, Ramon Bautista, Isa­belle Daza at Lovi Poe. Sabi ni Joey Abacan, kasama rin si Lotlot de Leon at ilang GMA Artist talents.

Magkasama sina Dingdong at Lovi sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Coney ayaw makigulo kina Dina,Pia, at Pauleen

Isa sa cast ng Ang Dalawang Mrs. Real na lutang ang husay sa acting ay si Coney Reyes. 

Akala ng viewers, nag-a-adlib si Coney at ang cast, kaya tinanong namin ito kung totoo? Sagot nito, may respeto sila sa mga writer at director, pero ‘pag hindi nila gusto ang lines at feeling nila hindi makatotohanan, sinasabi nila kay direk Andoy Ranay at nagsa-suggest sila kung puwedeng palitan at pinapalitan naman. Pero magaganda na ang lines at walang rason para palitan.

Masaya si Coney working with GMA 7 again. May cut-off siya (1 or 2 a.m.) at nasusunod naman. Hindi siya maaakusahang late dahil maaga siyang nagre-report sa taping dahil ayaw nitong hinihintay siya.

Samantala, ayaw mag-comment ni Coney sa isyu ni Dina Bonnevie kina Pia Guanio at Pauleen Luna. “Tahimik na ang buhay ko, ayaw kong magulo. Kapag nagsalita ako, hahaba pa ‘yan, kaya ‘wag na lang akong mag-comment,” sabi ni Coney.

Ayaw talagang tantanan Esther kinuwestiyon naman si Richard sa pagpapakasal nila ni Sarah

Balik ang bashers ni Richard Gutierrez dahil sa post ni Esther Lahbati patungkol sa ina ni Ri­chard na si Annabelle Rama at nadamay na rin ang pamilya ng aktor. Tinitira ang aktor dahil bakit hindi raw pakasalan si Sarah Lahbati kung totoong mahal niya ito at ang baby nilang si Zion?

Gustong unahan ng bashers ang plano nina Richard at Sarah sa kanilang relasyon. Hindi sila makapaghintay sa magiging plano ng dalawa. Galit din ang sympathizers ng mga Lahbati dahil bakit daw pumapayag si Richard na kasama nila sa bahay nina Sarah at Zion ang kanyang pamilya.

Bakit hindi kinokorek nina Richard at Sarah sa kanilang Instagram (IG) na hindi nila kasama sa bahay ang parents ni Richard? Sa White Plains nakatira ang mga Gutierrez at sa bahay nila sa Dasmariñas, Makati nakatira sina Richard.

Anyway, kahit may mga isyu, tuloy ang promo ni Richard ng Overtime dahil July 2 na ang showing nito. Hindi nagmamadaling bumalik sa TV si Richard at ang sabi lang, ‘pag may magandang offer sa kahit anong network, tatanggapin niya.

Richard kabi-kabila ang offer na game show

Nagsimula na palang mag-taping si Richard Go­mez ng game show na Quiet Please (Bawal Ang Maingay) sa TV5. Walang TV contract sa alinmang channel ang aktor, kaya libreng nakatatanggap ng offer kung saan may magandang proyekto.

Balitang may offer din ang GMA 7 na game show na ihu-host ni Richard, pero wala pa uling ba­lita tungkol dito.

Kundi kami nagkakamali, si Mike Tuviera ang director ng Quiet Please at magkasama rin sila sa 2014 Cinemalaya movie na The Janitor.

vuukle comment

AGOSTO DOS PRODUCTIONS

ANDOY RANAY

ANNABELLE RAMA

MRS. REAL

NILA

QUIET PLEASE

RICHARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with