^

PSN Showbiz

Marian Rivera naki-bonding sa mga may kapansanan sa GenSan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Abala man siya sa paghahanda para sa kanyang bagong dance show na Marian na mapapanood na simula June 21 sa GMA Network, hindi pa rin nakakalimutan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanyang tungkulin bilang Ambassador for Women and Children with Disabilities.

Sa tulong ng GMA Regional TV, bumisita ang aktres sa General Santos City noong Hunyo 1 upang makasama ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng Kapuso Outreach Activity at Kapuso Fans’ Day.

Bumisita si Marian sa City Social Welfare and Development Office kung saan ay pinasaya niya ang 48 na mga babae at batang may kapansanan mula sa iba’t ibang barangay ng Lagao, Dadiangas North, Dadiangas East, Da­diangas West, Bula, Ba­luan, San Isidro, at Mabuhay.

Bukod sa mga dala niyang relief goods, school supplies, at ilang GMA memo­rabilia, nagpalaro rin si Marian at namigay ng mga papremyo. Nagdag­dag din ng saya sa event  ang komedyanteng si Boobay.

 â€œMalaking bagay para sa akin ang maging ins­pirasyon sa mga may kapansanan kaya naman hangga’t may pagkakataon, gagawa at gagawa ako nang paraan para makatulong. Thankful din ako sa GMA Network na nagsisilbing tulay upang mai­pa­­abot ko ang pagmamahal para sa ating mga ka­babayan,” pahayag ni Marian.

Samantala, pagkatapos ng outreach activity ay nagtungo naman ang aktres sa SM City General Santos para sa isang Fans’ Day na dinaluhan ng higit-kumulang 5,000 katao.

vuukle comment

CITY GENERAL SANTOS

CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

DADIANGAS EAST

DADIANGAS NORTH

GENERAL SANTOS CITY

KAPUSO FANS

KAPUSO OUTREACH ACTIVITY

KAPUSO PRIMETIME QUEEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with