^

PSN Showbiz

Kathryn inuna ang trabaho kesa sa blessing ng dream house ni Daniel

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Trabaho naman pala ang dahilan kung bakit absent si Kathryn Bernardo sa blessing ng dream house ng kanyang ka-love team na si Daniel Padilla last week.

Kahapon sa pa-presscon ng Oishi bilang bagong endorser ng ready to drink product na Oishi Smart C, klinaro nitong alam ni Daniel na hindi na siya makakahabol dahil walang chance na umalis siya sa shooting nila. Nauna raw kasing kunan ang mga eksena ni Daniel kaya una rin itong i-release.

“Nauna siyang ni-release. Hindi na ako nakahabol kasi too late na pero siguro mag­­­-i-schedule na lang kami na sa amin lang mga friends, so wala pong tampuhan,” kuwento ng young actress.

Besides nakita na naman daw niya ang nasabing bahay nang magkaroon ng surprise birthday party si Daniel. Na-tour na raw nila ito at nakita niya kung gaano ka-proud ang aktor sa bahay na bigay sa kanyang mother na si Karla Estrada.

Alam daw niya kung gaano pinagtrabahuhan ni Daniel ang nasabing bahay.

“Masaya ako para sa kanya. Kasi after ng dream car niya, dream house naman ang na-achieve niya,” dagdag ng Kapamilya young actress.

Anyway ang Oishi Smart C plus ay hindi puwedeng ikumpara sa ibang ready to drink juice, dahil meron umano itong 500 mg ng Vitamin C sa bawat bottle. Kaya sakto ito sa mga kabataan ngayon na super active ang lifestyle na hindi kailangang lumunok ng tableta. Inom lang sila nito, ayos na ang kanilang vitamin C.

“Refresing, fun, interactive and playful, Kathryn Bernardo is a perfect Smart C plus endorser. Her successful career keeps her schedule full but des­pite that, she’s always fresh and ready to take on any challenge, on- and off-cam! She knows how to balance her career and personal life.

“With her love for travelling and thirst for adventure, Kathryn looks forward to exhilarating trips around the Philippines! From river rafting in the Cagayan Valley to swimming with the whale sharks in Oslob Cebu, Kathryn unveils her top 5 local tourist destinations, saying that not only does she wants to explore more of the Philippines, but that it would be more refreshing to do so with Oishi Smart C+,” komento ng mga taong nasa likod ng Smart C plus.

Pero nang tanungin siya kung sino ang gusto niyang makasama sa pagta-travel sa ilang bahagi ng Pilipinas na hindi pa niya nararating, ang mother niya ang mabilis niyang sagot.

Pati mommy ng aktor mahal na mahal na si sarah I’ve never been happier – Matteo

Mas nagiging klaro na ang relasyon nina Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli. Sinabi ng actor sa ABS-CBN.com na si Sarah ang dahilan kung bakit siya mas maligaya ngayon. “Sasabihin ko I’ve never been happier,” sabi niya.

Unti-unti na rin silang nagiging open pero hindi pa raw siya sigurado kung tamang panahon na ito. “Basta we are just enjoying every moment and just doing our own thing.”

Love na love din daw ng kanyang mommy si Sa­rah. “My mom loves Sarah, napakilala ko na. Okay naman, okay naman lahat,” sabi pa ng aktor na puring-puri ang ‘gf’ sa pelikulang Maybe This Time na magkasama silang nanood  kasama ang iba pang kaibigan. Ang galing-galing daw nito. “Ang sarap panoorin. Sarah was awesome. Lahat ng mga iyak niya sobrang totoo kumbaga.”

So siya na kaya ang lucky charm ni Sarah?

“I guess she deserves every bit of it. She’s amazing, she’s talented. I think she deserves to enjoy her life more. I don’t know if I’m a lucky charm . I have no idea. Am I?” sabi pa niya sa interview ng ABS-CBN.com.

I’m sure maraming kinikilig sa mga sinabing ‘yan ni Matteo.                                       

vuukle comment

AM I

CAGAYAN VALLEY

DANIEL PADILLA

KARLA ESTRADA

KATHRYN BERNARDO

NIYA

OISHI SMART C

SMART C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with