^

PSN Showbiz

‘Di dapat mainsulto sa tawag na Petra... Dani Barretto parang si Aiai lang ang mukha

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Unfair naman na ikumpara sa kabayo si Dani Barretto, ang anak ni Marjorie Barretto kay Kier Legaspi.

Pahaba ang hugis ng mukha ni Dani pero maganda siya, ha! Pareho lang sila ng shape ng mukha ni AiAi delas Alas kaya hindi talaga tama na ikum­para siya sa kabayo.

Kung ako ang nasa lugar ni Dani, hindi ako maiinsulto dahil maling-mali ang paratang ng detractors niya. Kapag humarap siya sa salamin, isang babae na maganda ang makikita ni Dani, hindi si Petra.

My Love… sinapawan ang musical show ng GMA

Ang My Love from the Star ang bagong Koreanovela ng GMA 7 na kinahuhumalingan ko kaya natuwa ako nang ipalabas kahapon ang kilig throwback na napanood ko bago nagsimula ang Sunday All Stars.

Tinutukan ko ang replay ng My Love from the Star na hindi ko kinasasawaan na panoorin. May nagbigay sa akin ng DVD copy ng My Love from the Star pero nahihilo ako sa pagbabasa ng subtitles kaya mas gusto ko ang Tagalized version.

Nag-enjoy ako sa panonood ng My Love from the Star kaya hindi ko namalayan na almost 2 p.m. na nang magsimula ang Sunday All Stars.

SAS nagpapaka-throwback ang mga production number

Kumanta kahapon sa Sunday All Stars sina Tina Paner at Ramon Christopher na original na magkapareha bago pinakasalan ni Monching ang kanyang now ex-wife na si Lotlot de Leon.

Ipinakita si Janine Gutierrez na kinikilig habang pinapanood ang duet ng tatay niya at ng former girlfriend nito.

Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang, bagets na bagets pa sina Tina at Monching. Ngayon, may anak na dalaga na si Monching at may sariling pamilya na rin si Tina.

Type ko ang Paborito segment ng Sunday All Stars dahil napapanood ko uli na kumakanta sa TV ang mga singer na hindi na active sa showbiz. Uso na uli sila ngayon mula nang maimbento ang “throwback” word.

Fans ni Maricel masaya sa drama

Si Janno Gibbs pala ang composer at lyricist ng kanta na ginamit sa music video ng Ang Dalawang Mrs. Real pero ang The Closer Mistress na kinanta ni Lucho Ayala ang opening theme song ng drama series nina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Maricel Soriano.

Siyempre, excited na ang fans ni Maricel dahil tapos na ang kanilang matagal na paghihintay. Natupad na ang wish nila na mapanood sa isang drama series ang kanilang idol.

Rebelasyon sa pamilya Gutierrez matitindi

Nagpapasalamat si Annabelle Rama sa lahat ng mga nanood kagabi sa E! ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Touched na touched si Bisaya sa kind words ng followers niya na tumulong sa pagpopromote sa social media ng reality show ng kanyang pamilya.

Nabasa ni Bisaya ang lahat ng positive comments ng mga nanood ng It Takes Gutz to be a Gutierrez kaya tuwang-tuwa siya. Kung pasabog ang unang episode ng kanilang reality show, mas matitindi raw ang mga susunod na episodes dahil lumabas ang lahat ng mga secret ng Gutierrez family.

Aktres nagbubulag-bulagan sa pagtataksil ng asawa

Member ng isang dating sexy female group ang girlfriend ng mister ng aktres. Ang tsismis, alam ng aktres na nagtataksil ang kanyang asawa pero wala siyang magawa.

Pinili ng aktres na magbulag-bulagan dahil ayaw niya na maghiwalay sila ng kanyang mister, alang-alang sa anak nila.

Madalas na nakikita na magkasama ang mister ng aktres at ang other woman nito na sexy star at ex-dyowa ng isang aktor. Imposible na hindi nakakarating sa aktres ang pangangaliwa ng kanyang dyowa dahil sa testimonya ng mga witness.

vuukle comment

ANG MY LOVE

ANNABELLE RAMA

BISAYA

DANI

IT TAKES GUTZ

MONCHING

MY LOVE

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with