^

PSN Showbiz

Bagets na aktor ibinandera ang pakikipaghalikan sa kapwa lalaki

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagulat kami sa ipinakitang picture ni Dinno Erece sa Instagram (IG) ng isang teen actor na may kahalikang lalaki rin. Naglapat ang mga labi ng dalawang bagets, kaya maiintriga ang makakakita. Ang kasunod na picture ng teen actor, may hawak na parang fan sign, pero ang nakasulat ay “I’m proud.”

Hindi malinaw kung ang “I’m proud” na sinabi ng teen actor ay proud siya sa pakikipaghalikan na pinakunan pa ng picture o may dagdag o may iba pa siyang gustong tukuyin na ipinagmamalaki niya.

Wala kaming alam na project ng teen actor nga­yon at kung meron man, hindi naman siguro beki ang role niya, kaya para saan kaya ang picture na ‘yun? Saka alam kaya ng parents ng bagets ang pagpo-post nito ng picture na may kahalikang lalaki rin?

Raymond nagkaraket sa Youtube

Feeling high pa rin si Raymond Gutierrez na pag-usapan ang press junket nila ng kanyang pamilya para sa reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez at ang paghu-host niya sa YouTube Fanfest event, sa Singapore pa rin. Itatago sana niya ang tungkol sa hosting, pero dahil nabalita sa YouTube, ikinuwento na rin niya.

Open siya kung kukunin uli ng YouTube for ano­ther hosting gig, pero thankful ito na siya ang napili to host the Singapore event dahil dagdag promo ito para sa reality show nila pilot na sa June 1, 9:00 pm., sa E! na mapapanood sa Skycable channel 57, channel 25 sa Cignal cable, at channel 33 sa Cablelink.

Coney at Vic weekly nagkikita

Pinag-pray muna ni Coney Reyes kung tatanggapin ang Ang Dalawang Mrs. Real at nasagot ng kanyang prayers ang hiningi, kaya natuloy siya sa adult drama ng GMA 7 na mapapanood na simula sa June 2, after Kambal Sirena na bida sina Dingdong Dantes, Lovi Poe and Maricel Soriano.

Hindi maiwasang mapag-usapan si Vic Sotto nang itanong kay Coney kung magi-guest siya sa Eat Bulaga to promote Ang Dalawang Mrs. Real? 

Sagot ni Coney, friends sila ni Vic at nagkikita sila weekly sa bahay niya dahil nagdi-dinner si Vic. “He comes to the house weekly, nagdi-dinner, but not for me, but for my son at hindi ako nagluluto, minsan lang.”

Nakiusap si Coney na ‘wag na silang intrigahin dahil ayaw na niyang makialam sa buhay ng iba at ayaw niyang may masaktan.

vuukle comment

CONEY REYES

DINGDONG DANTES

DINNO ERECE

EAT BULAGA

IT TAKES GUTZ

KAMBAL SIRENA

LOVI POE AND MARICEL SORIANO

MRS. REAL

RAYMOND GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with