^

PSN Showbiz

Aktor pumapayag kutus-kutusan ng GF na aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagalit ang manager ng isang aktor sa nabalitaang ina-under ang aktor ng GF nitong aktres. Kaya lang, hindi nito maaway ang aktres dahil ayaw masabihang nakikialam siya sa love life ng alaga. Ang aktor ang pinagsabihan na iparating sa aktres na magdahan-dahan naman sa pagtrato sa kanya (sa aktor) dahil hindi pa man sila mag-asawa.

Saka, kahit mag-asawa na, hindi pa rin tama na anderin ng aktres ang BF lalo na kung nakikita ng ibang tao. Pasalamat ang aktres na mahal siya ng aktor at hinahayaan siyang maltratuhin nito, paano kung mapuno ang aktor at hiwalayan ang aktres? Iiyak at maglulungkot-lungkutan na naman?

Nagalit daw ang aktres dahil hindi sinunod ng aktor ang usapan nilang hindi sila dadalo sa party ng cast ng show kung saan pareho silang kasama. Ayaw naman talagang mag-attend ng aktor, kaya lang nayaya siguro at sandali lang siya, kaya hindi na nagpaalam sa aktres.

Nakarating sa aktres ang ginawa ng aktor, kaya nang magkita, inaway at parang kinutusan pa ang aktor na sobrang napaka-foul. Hindi nagsumbong ang aktor sa manager, pero nalaman pa rin ng manager ang ginawa ng GF ng talent. Sabi ni manager, wala siyang magawa kundi payuhan at pagsabihan ang aktor sa maling ginagawa ng GF nito.

Marian, dance show ang next show sa GMA

Nakipag-meeting na si Marin Rivera at ang management nito sa GMA Network para sa next show na gagawin nito. Nasulat na isang dance show ang gagawin ng aktres at dahil magaling itong magsayaw, kering-keri niya ang show.

After Carmela na gagawin ni Marian ang dance show dahil kahit once-a-week ang time slot, mahihirapan pa rin siya kung isasabay sa soap na three times a week ang taping, tapos sa weekend, magsasayaw siya.

Sa nakita naming picture ni Marian, kasama sa meeting ang manager niyang si Rams David at si Direk Mike Tuviera. Si Direk Mike kaya ang director ng show o nag-attend lang siya ng meeting bilang representative ng amang si Mr. Tony Tuviera na manager din ni Marian?

Samantala, this week ba o next week ang launching ni Marian sa isa niyang big endorsement. “Summer Babe” ang tag line ng endorsement ng aktres na inililihim pa, pero sa social media, binabanggit na para sa Belo ang endorsement nito.

Kevin wala nang effort ‘pag gumaganap na bakla

Closet gay na kapatid ni Carla Abellana ang role ni Kevin Santos sa Regal Entertainment movie na So, It’s You, showing sa May 7. Sa husay ni Kevin sa role ng beki, closeted gay man o out na bading gaya sa role niya sa My Husband’s Lover, siguradong magagampanan pa rin nito ng maganda.

Biniro ng press si Kevin kung hindi na-insecure kay Paolo Ballesteros na kasama rin sa movie at bading din ang karakter? Walang maintriga ang press sa sagot ni Kevin na never siyang na-insecure at nagtatrabaho lang sila nang maayos.

Anyway, suwerte si  Kevin dahil sunud-sunod ang show sa GMA 7. Hindi pa man tapos ang The Borrowed Wife, may next show na siya. Kasama siya sa cast ng sitcom na bida raw si Ryan Agoncillo at last Sunday, nag-plug shoot na sila.

Ryzza natuwa sa mga anak ni Rita

Nakakatuwa ang kuwento ni Rita Avila after niyang mag-guest sa The Ryzza Mae Show ni Ryzza Mae Dizon last Friday, kasama ang mga alaga niyang sina Popoy at Mimay. Dolls sila, pero mga anak at tunay na tao kung ituring sila nina Rita at asawa nitong si Direk FM “Erik” Reyes. Laging kasama ang dalawa pati si Pony sa kanilang mga lakad at para talaga silang isang pamilya.

Sabi ni Rita, karga-karga ni Ryzza ang dalawang dolls lalo na si Popoy. Pinabantayan pa nito ang food niya kina Popoy at Mimay sa dressing room at ipinatong sa laps ng dalawang manika.

Tanggap daw ni Ryzza na walang kuwestiyon na mga anak ni Rita ang dolls at tinanong siya kung nagpa-party siya sa birthday nina Popoy at Mimay. Tiningnan daw ni Ryzza ang dalawang manika at tinanong siya kung bumubuka ang mga bibig.

Noong paalis na sina Rita, hindi mabitawan ni Ryzza sina Popoy at Mimay at habang nakasandal sa pader, panay ang kaway at ang parting words ay hanggang sa muli nilang pagkikita.

vuukle comment

AKTOR

AKTRES

KEVIN

KUNG

MIMAY

POPOY

RYZZA

SHOW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with