^

PSN Showbiz

Deniece hinihintay na ng kulungan, kapatid ni Cedric arestado

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Inilabas kahapon ng Taguig Metropolitan Trial Court ang warrant of arrest laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at sa apat pa na akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro.

Para sa serious illegal detention ang warrant of arrest kaya non-bailable ito. Ang ibig sabihin, diretso sa kulungan ang mga suspect kapag nadakip sila.

Ngayon natin malalaman kung paninindigan ni Deniece ang kanyang statement na haharapin niya ang kaso. Papayag ba si Deniece na makulong kung kinakailangan para mapatunayan niya na inosente siya?

Inaabangan ang mga susunod na hakbang ni Deniece at ng kanyang legal counsel. Wondering naman ang mga sumusubaybay sa Vhong Navarro case sa kinaroroonan ni Cedric na hindi nag-post ng bail para sa kasong Grave Coercion.

Pito ang akusado sa kaso ni Vhong pero anim lamang ang ipinadadakip.

Ang ibig sabihin, hindi makukulong ang isa sa pitong suspect na type na maging state witness at willing na ikuwento ang mga nalalaman niya tungkol sa Oplan Bugbog plot laban kay Vhong. 

Nadakip na kagabi ang isa sa kanila, si Bernice Lee na kapatid ni Cedric kaya lima na lang ang kailangan nilang arestuhin.

Dra. Belo nagbitbit ng masahista at taga-ayos ng buhok sa Holy land

Maraming salamat kay Dra. Vicki Belo sa birthday treat niya kahapon kay Papa Ricky Lo.

Very intimate ang aming lunch date sa isang favorite restaurant namin, somewhere in Quezon City.

As usual, maraming kuwento si Mama Vicki tungkol sa nakaraang biyahe nila ni Hayden Kho, Jr. sa Jerusalem.

Siyempre, pipiliin ko lang ang mga kuwento ni Mama Vicki na  puwede kong i-share sa dear readers ng Pilipino Star NGAYON (PSN.)

Aliw na aliw ako sa kuwento ni Mama Vicki na nagsama siya sa Holy Land  ng masahista at taga-ayos ng kanyang buhok. Sosyal ‘di ba?

Ang suwerte-suwerte ng masahista at hairdresser ni Mama Vicki dahil nakarating siya sa Holy Land ng walang gastos. Malapit na talaga akong mag-aral ng pagmamasahe at pag-aayos ng buhok!

Vicki at Hayden hindi nagkabalikan

Hindi totoo na nagkabalikan sina Mama Vicki at Hayden. Special friends pa rin sila at definitely, wala nang plano si Mama Vicki na magpakasal.

Pero hindi ma-imagine ni Mama Vicki na darating ang araw na sila na lamang ng kanyang pet dog ang magkakasama. Why not? Mas loyal companion ang mga aso. I should know ‘no!

Magkakasama sa Holy Land trip sina Mama Vicki, Hayden, at ang mag-asawang Lani Mercado at Bong Revilla, Jr.

Saludo si Mama Vicki sa pagmamahal ni Bong sa mga anak. Nakita raw niya ang pagiging mabu­ting ama ni Bong sa mga anak nito.

Nakatulong ang pagsasama nila sa Jerusalem para magkasundo sina Mama Vicki, Hayden, at Bong. Hindi naman personal ang kanilang alitan at dahil likas na gentleman, humingi ng paumanhin si Bong kina Mama Vicki at Hayden.

All’s well that ends well sa pagitan ng tatlo at na­tutuwa ako dahil magkakabati na sila. Sa totoo lang, mabait na tao si Bong. Ayaw na ayaw niya na may mga tao na nasasaktan nang dahil sa kanya.

Belo Medical Group naghahanap ng endorser para sa Pussykip!

Napag-usapan namin kahapon sa lunch date ang Femmelift o Pussykip, ang machine ng Belo Medical Clinic na pampasikip ng  “you know what” ng mga babae na marami nang mga anak o gustong maging virgin uli ang pakiramdam.

Nabanggit ni Mama Vicki na naghahanap siya ng celebrity endorser ng Pussykip. Dalawang pangalan ng mga sikat na female celebrity ang lumitaw pero mukhang hindi papayag si Celebrity A na i-endorse ang Pussykip dahil sure na sure ako na pagtatawanan lamang siya ng mga tao. Ang arte-arte pa naman niya!!!

May nag-suggest na ako na lang ang mag-endorse sa Pussykip. Hooy, Mama Vicki cannot afford me ‘no! Baka himatayin siya kapag nalaman niya ang mga demand ko!

vuukle comment

DENIECE

HAYDEN

HOLY LAND

MAMA

MAMA VICKI

NIYA

PUSSYKIP

VICKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with