^

PSN Showbiz

Matapos mag-sorry na umiiyak Kris isinumbat na naman kay James ang milyones na ibinigay nang maghatian sila ng ari-arian; Pinay tsugi na sa American Idol; Dahil

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Pinatulan ni Kris Aquino ang comment ng kanyang Instagram follower na nagsabi na makipagbalikan na lang siya kay James Yap dahil gagamitin lamang siya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sumagot si Kris ng  “Once and for all, y will I go back to James? Will he return the millions I worked hard for & sign it over to my 2 sons? If you can answer me YES then maybe you’re allowed to dictate my lovelife” na ikinagulat ng kanyang followers dahil hindi pa nila nalilimutan ang pag-iyak at pasasalamat ni Kris kay James sa 7th birthday party ng kanilang anak na si Bimby noong April 8 na inere sa kanyang programa kahapon na Kris TV.

SCENE: Makahulugan ang sinabi ni Kris Aquino kay James Yap na “Sikapin mo na kaibiganin mo ako, alang-alang kay Bimby.”

SEEN: Kinumpirma ni BIR Commissioner Kim Henares ang pagbisita ni Anne Curtis sa opisina niya ngunit hindi sila nagkita dahil nasa labas siya at walang appointment sa kanya ang Dyesebel actress.

SCENE: Eliminated na kahapon sa American Idol Season 13 ang Fil-American contestant na si Malaya Watson.

SEEN: Disaster ang presscon ng Chef’s Noodle para kay Sam Concepcion noong Huwebes dahil 2-hours late si Sam.

Dahil sa rami ng mga tao, may kabagalan ang serbisyo dahil hindi dumating ang request na tubig na maiinom ng ilang mga customer.

Pinag-interesan si Sam ng mga dumalong press dahil sa pagkakaugnay niya sa pangalan ni Anne Curtis.

SCENE: Natakot si Ryzza Mae Dizon sa malakas na tubig ng Niagara Falls na pinuntahan ng Dabarkads ng Eat Bulaga.

May show ngayong April 12  ang Eat Bulaga sa Toronto, Canada.

SEEN: Hindi pa tapos ang promo tour ng Diary ng Panget cast dahil may show sila ngayon sa Iloilo City pagkatapos ng show nila kahapon sa Cebu City.

SCENE: Si Congressman Manny Pacquiao ang sinusuportahan ng mga Mexican sa  April 12 fight ( April 13 sa Pilipinas ) nila ni Timothy Bradley sa MGM Grand Arena, Las Vegas.

Ito ang bihirang pagkakataon na solid ang suporta ng mga Mexican kay Pacquiao dahil Amerikano si Bradley.

vuukle comment

AMERICAN IDOL SEASON

ANNE CURTIS

BIMBY

CEBU CITY

COMMISSIONER KIM HENARES

DAHIL

EAT BULAGA

JAMES YAP

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with