^

PSN Showbiz

Claudine nanghihingi ng tulong, tinangka raw lasunin

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-panic ang fans ni Claudine B­arretto nang mabasa nila ang tweet nito the other night. Nag-alala sila para sa aktres. “PLS HELP MY CHILDREN & i. we are not safe. another Employee hired to POISON MY KIDS & i.Stop TRYING TO SET ME UP.U are SO SICK

“and for u Mr. SANTIAGO.Go Keep protecting my FAMILY.SANA GANUN DIN KAYO SA MGA KAPATID MO SA LABAS. Si bernadette CALOVE,” sabi niya sa tweet  (unedited) na hindi na maintindihan ng ibang followers kaya nagtatanong sila.

Matagal-tagal na ring nanahimik si Claudine sa gulo sa kanilang magkakapatid – Gretchen at Marjorie at iba pa.

Hindi pa natatapos ang demandahan nila ng dating asawang si Raymart Santiago kung saan tumestigo pa ang magkapatid na Gretchen and Marjorie laban sa kanya na diumano’y nagpadiin sa aktres.

Sa Twitter lang nag-post si Claudine at wala siyang inilagay sa kanyang Instagram account.  Ang last pa ay kung gaano siya ka-proud sa anak nila ni Raymart na si Santino na mataas ang mga grades na nakuha.

Kris nagmamadali sa pelikula nila ni Derek

Pangarap na natupad para kay Mother Lily Monteverde ang pagpirma ng kontrata ni Derek Ramsay sa Regal Films kahapon. Paulit-ulit niyang sinasabi na matagal na niyang ‘nililigawan’ si Derek at ngayon lang niya napa-‘oo’ ang alaga ni Joji Dingcong.

Sina Marian Rivera at Kris Aquino ang posibleng makasama niya sa dalawang pelikulang pinirmahan niya sa Regal.  Puwede naman daw itong ma-extend hanggang 4-pictures.

Matagal nang lumulutang ang pagsasama nina Marian at Derek. Maging si Kris ay payag na payag daw magkatambal sila ng aktor. In fact nang malaman nito kahapon ang plano ng Regal, agad itong nag-text kay Ms. Roselle Monteverde, anak ni Mother, para makipag-meeting agad para sa pelikulang pagtatambalan nga nila ni Derek.

Inulit naman ni Derek na wala talagang nangyari sa kanila ni Kris. Kaibigan lang daw ito ng kanilang pamilya. “We’re friends, we’re very good friends and not just to me, she’s a friend of the family. I just wanna clear, walang date na naganap with my folks, my father. He went over to her house to do a free survey of the modification of her security ‘coz that’s our business.

“And that was the day of my parents’ a­nniversary, and my dad enjoys Kris’ company. She’s very entertaining, she’s very nice to talk to, and she’s r­eally a real friend,” kalmado niyang paliwanag.

Pero aminado si Derek na inspirado siya ngayon ngunit ayaw na niyang pangalanan para naman daw mapangalagaan niya ang privacy niya.

Let it go ni Sarah 2M na agad ang nag-view

Grabe, 2 million na agad ang nag-view sa You Tube ng version ng Let It Go ni Sarah Geronimo na kinanta niya sa ASAP 19 last Sunday.

Nakaka-apat na araw pa lang ito kahapon, pero mahigit dalawang milyon na ang nag-view.

Sikat na sikat ang nasabing kanta kahit sa kabataan at ang bongga nga naman ng pagkakakanta ni Sarah kung saan nagdamit pa siyang nag-ala-Elsa, bida sa pelikulang Frozen na highest grossing animated film na .                 

 

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE B

DEREK

DEREK RAMSAY

GO KEEP

GRETCHEN AND MARJORIE

JOJI DINGCONG

NAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with