^

PSN Showbiz

Na-trauma na sa mga artista, Dennis estudyante, modelo ang tina-target

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles Mukhang - Pilipino Star Ngayon

Mukhang tinototoo ni Dennis Trillo ang madalas sabihin na kung muli siyang magi-girlfriend, sisiguraduhin niyang hindi taga-showbiz. Hindi raw successful ang pakiki­pagrelasyon niya sa mga taga-showbiz kaya susubukan naman niyang non-showbiz ang next girlfriend.

Ang model at isa sa dalawang Pinay contestants sa Asia’s Next Top Model Season 2 ang tila natitipuhan ni Dennis. Siya’y si Katarina Rodriguez, 21 years old, 5’6” at De La Salle student at mala-Zsa Zsa Padilla at Alice Dixson ang beauty.

Nag-post sa Instagram si Dennis ng picture ni Katarina at nag-post din ng “I adore you” at “good luck” na sinagot ni Katarina nang pasasalamat at ginamit ang hashtag na #tookilig! Tiyak, pati ang aktor ay kinilig sa pagsagot ng kanyang crush.

Nakakatuwa dahil hindi pa man personal na magkakilala sina Dennis at Katarina, marami na sa fans ng aktor ang pabor sakaling ang dalaga ang maging next girlfriend niya. Bagay daw ang dalawa at swak daw ang estudyanteng modelo sa babaeng tipo ng aktor na makarelasyon.

Samantala, habang wala pang regular show, may mga regional show muna sina Dennis at Tom Rodriguez. Malapit na ring simulan ni Dennis ang shooting ng indie film niyang The Janitor na entry sa 2014 Cinemalaya Independent Film Festival sa direksiyon ni Mike Tuviera.

 

Max consistent ang pagdi-deny kay Pancho

Ibinuking ni Luis Alandy na puro taken na ang girls sa Innamorata mula sa leading lady niyang si Max Collins hanggang kay Gwen Zamora at Jackie Rice. Kaya kahit may type siya sa tatlo, hindi na niya maliligawan.

Pero nang makausap si Max, itinangging BF na niya si Pancho Magno and, as of last week, “dating” pa rin ang status nila. Curious tuloy kami kung ano ang reaction ni Pancho na lagi siyang idine-deny ng aktres.

Anyway, masaya si Max sa co-stars niya sa Afternoon Prime dahil lahat ng friends niya, lalo na sina Gwen at Jackie na kasama niya sa Bubble Gang. Sa harap ng camera lang sila may isyu and after ng take ni Direk Don Michael Perez, magkakaibigan sila.

Ibinalita ni Max na may gagawin siyang movie na sa Qatar ang shooting at taga-roon ang director at kasama niya sa mo­vie. Tatapusin lang niya ang I­nnamorata at lilipad tungong Qatar at kung saan 24 days siyang mananatili roon.

 

Kris napapayag magpapasok sa bagong bahay

Makikita na rin ng kanyang followers ang new house ni Kris Aquino sa isang gated subdivision dahil puma­yag itong i-pictorial ng YES! ang kanyang bahay. Bukas ang scheduled pictorial ng bahay at ni Kris at mga anak na sina Joshua Aquino at James “Bimby” Yap, Jr.

Abangan natin kung mapapaamin si Kris sa bago niyang relasyon! Nakakaaliw lang na wala pa mang inaamin, may pabor at hindi sa Kristek love team o Kris at Bistek (Quezon City Mayor Herbert Bautista).

 

Anita Linda at Perla Bautista napilitang mag-comedy Para kay Shalala

Nag-enjoy kami sa Echoserang Frog, ang launching movie ni Shalala na showing ngayon sa direksiyon ni Joven Tan. Ang daming nakakatawang eksena at kabilang sa tumatak sa amin ang eksena nina Jaclyn Jose na nag-workshop sila ni Shalala ng kanyang style of acting na monologue ang dialogue.

Kuwela rin ang eksena ni Ms. Anita Linda na lakad nang lakad sa pagha­hanap ng “eyes,” ’yun pala may malapit na tindahan ng ice. Ginaya nito ang mga eksena sa pelikula ng aktres na madalas lakad lang nang lakad.

Nakakatawa rin ang eksena ni Shalala kay Perla Bautista na paulit-ulit siyang sinampal at ’yung eksena nila ni Empoy. Magaling din si Kiray as Shalala’s BFF. Present din si Perla sa premiere night bilang suporta niya sa gay comedian.

 

Randy may nationwide concert tour

Magsisimula sa April 5, sa Casino Filipino (CF) Pavilion ang nationwide concert tour ni Randy Santiago. Entrance to the concert series is free on a first-come, first-served basis. Hanggang April 26 ang show ni Randy.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

CENTER

KATARINA

NIYA

PERLA BAUTISTA

SHALALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with