^

PSN Showbiz

Nakonsensiya matapos magsinungaling Ara umamin nang nakunan nga; James may alam sa relasyon nina Kris at Herbert

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masaya ’yung paglaro ng volleyball sa Celebrity Bluff na mapapanood mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman.

Bago nagsimula ang game, naglaro muna sila ng volleyball na ginawang katatawanan ng mga Gangnamm na sina Jose Manalo, Brod Pete, at Boobay.

 Maglalaban para sa kalahating milyon pisong jackpot ang mga kilalang volleybelles ng Ateneo na sina Alyssa Valdez at Denden Lazaro, Mika Reyes at Abby Marano ng La Salle, at ang magkapatid na Jaja at Dindin Santiago ng National University.

Nagkabukingan pa sila roon ng mga boyfriend ng ilan sa kanila na mga basketball player pala.

PAK: Humingi ng sorry si Ara Mina sa amin dahil sa itinanggi niya ang napabalitang nabuntis siya at nakunan.

Binawi sa amin ng aktres ang pagtanggi niya. I­namin niyang tatlong buwang buntis siya at nakunan nung nakaraang taon, bago mag-Pasko.

Kaya raw siya tumanggi nung tinanong namin dahil nabigla raw siya bakit lumabas ito dahil ayaw niya sanang gawing isyu pa iyon.

Hindi pa raw niya nakausap si Mayor Patrick Meneses, na pumayag namang aminin na ito ni Ara sa publiko.

Ang sabi raw ng alkalde ay huwag nang itanggi kung lumabas ito pero ayaw na raw sanang palakihin pa ni Ara ang naturang isyu.

BOOM: Mainit pa ring pinag-uusapan ang tungkol sa relasyong Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino.

May mga kumausap na sa mga dating nakarelasyon ni Mayor Bistek at naniwala na raw silang meron talagang namamagitan sa dalawa.

Ang huling nakarelasyon ni Mayor Bistek na si Tates Gana ay nung nakaraang linggo lang daw nalaman ang tungkol kay Kris.

Nung tinanong naman si James Yap sa presscon ng PEP List na kung saan siya ang PEPSTER Choice Male Newsmaker of the Year, nadulas siya sa pagsabing isang pulitiko nga ang ka-date ngayon ni Kris pero ayaw niyang sabihin kung sino dahil ina­min ito sa kanya ng anak niyang si James “Bimby” Yap, Jr.

vuukle comment

ABBY MARANO

ALYSSA VALDEZ

ARA MINA

BROD PETE

CELEBRITY BLUFF

CHOICE MALE NEWSMAKER OF THE YEAR

DENDEN LAZARO

DINDIN SANTIAGO

MAYOR BISTEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with