^

PSN Showbiz

Talent agency hadlang sa pag-asenso ng aktres sa home network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hinihintay na lang ng aktres na ito na matapos ang kontrata niya sa isang talent agency at ’pag hindi naging maayos ang kanilang pag-uusap ay baka hindi na siya mag-renew ng kontrata.

Ang feeling ng aktres, hindi siya naaalagaan ng husto ng talent agency at hindi natupad ang mga project na ipinangako sa kanya, kasama ang movie projects. Nahanapan nga siya ng pelikula pero hindi maganda ang role at paniwala ng aktres, sa halip na makatulong sa kanya ay makakasira pa. Hindi rin daw siya mapapansin sa movie kahit doblehin niya ang effort dahil maliit ang kanyang role.

Naniniwala rin ang aktres at ang parents nito na ang kontrata niya sa talent agency ang rason kung bakit hindi siya mai-launch ng todo ng kanyang home network. Magkatulong ang talent agency at network sa pagma-manage sa aktres at tila nag-aalangan ang network na i-launch siya dahil baka ’pag malaking artista na ay ilipat siya sa ibang network.

Ang ending nito, ang career ng aktres ang nagsa-suffer. Kaya nagdesisyon itong sa network na lang pumirma ng kontrata. But she has to wait a bit longer dahil isang taon pa ang kontrata niya sa talent agency.  

Kim nanghihinayang na hindi natuloy ang pagdi-display ng two-piece

Hindi na pala nakunan ang eksenang magpa-fashion show si Kim Rodriguez sa Paraiso Ko’y Ikaw na naka-two-piece ay hindi na isinama ang eksena sa story. Nagbiro nang panghihinayang ang aktres dahil pinaghandaan pa naman daw niya ’yun.

Ilang linggo na siyang nagda-diet at karamihan sa kinakain ay prutas at ve­getables. Nang mapagod sa kangunguya, ginawang juice ang fruits at sabay na rin ang detox. Kaya lang, habang naghihiwa ng carrots, nahiwa ang isang daliri sa left hand at kinaila­ngang tahiin at two stitches ang inabot.

’Kaloka nga dahil dumugo ang sugat ni Kim habang ini-in­terview sa last presscon ng Paraiso Ko’y Ikaw, doon nalaman ng press ang nangyari sa kanya. Pero hindi pa rin siya titigil sa juicing at pagde-detox-detox, magiging extra careful na lang siya sa paghihiwa ng prutas at gulay.

Nalulungkot si Kim sa nalalapit na pagtatapos ng Paraiso Ko’y Ikaw dahil naging kaibigan niya ang mga kasama sa soap at marami siyang natutunan kay Direk Joyce Bernal. Umaasa ito na may next soap siya at kung pagbibigyan, gusto niyang makapareha si Alden Richards na magaling daw sa Carmela.                           

Nadine thankful na ginawang bida agad

Naka-multo costume at makeup si Nadine Lustre habang ini-interview ng press sa shooting ng Dia­ry of Panget. Kukunan ni Direk Andoy Ranay ang eksenang tatayong ghost si Eya (Nadine) sa horror booth sa fair ng kanilang school.

Si Nadine ang isa sa apat na bida ng Viva Films movie na showing sa April 2 sa direction ni Andoy. Sobrang thankful siya dahil big leap ang pagbibida niya sa Diary of Panget sa first movie niyang Petrang Kabayo na maliit ang role.

Sa tanong kung ano ang feeling niya na bida siya sa movie, “pressured” ang unang sagot ni Nadine at sinundan ng pasasalamat dahil marami ang maga­ga­ling at puwedeng maging bida pero sa kanya ibi­nigay.

“Kaya ginalingan ko ang acting ko para hindi magsisi ang Viva Films na sa akin ibinigay ang role  ni Eya,” sabi nito.

Five days straight kinunan ni Direk Andoy ang na­­tirang big scenes ng movie sa Ly­ceum of the Phi­­lippines University at hanggang this week na lang daw ang shooting nila. Excited na ang apat na ma­panood ang pelikula at ma­tutuwa raw ang mga nakabasa ng libro da­hil 80 percent nito ang isinama sa libro.

Divine nag-indefinite leave sa show para makaiwas sa kontrobersiya nang nakakulong na amang si Delfin Lee

Mami-miss ng viewers ng Showbiz Police ng TV5 si Divine Lee dahil nag-file ito ng indefinite leave sa show. Hindi na rin ito nag-issue ng statement basta hindi na lang siya mapapanood sa show.

Nag-simpatiya ang friends at fans ni Divine dahil alam nilang mahal at nag-i-enjoy itong nasa TV siya. Iniwasan lang siguro nitong makadagdag sa controversy ng ama kaya pahinga muna siya sa telebisyon.

Pero active pa rin naman si Divine sa Twitter, ma­kakabalita pa rin ang fans niya sa mga nangyayari sa buhay niya. In fairness, walang nagtatanong at nang-ookray sa isyu sa amang si Delfin Lee and, for sure, nagpapasalamat ang dalaga.

Claudine naki-‘birthday’ sa puntod ng ex-bf na si Rico

Nakita namin sa Facebook ni Claudine Barretto ang picture niya with two of her friends sa puntod ni Rico Yan sa Manila Memorial Park last Friday, sa 39th birthday dapat ng aktor na ex-boyfriend ni Claudine.

Marami ang natuwang makitang dumalaw si Claudine sa puntod ni Rico sa ka­arawan nito at marami pa rin ang nanghihinayang sa maagang pagkamatay ng aktor.

Naniniwala ang fans nina Rico at Claudine na kung hindi pumanaw ang aktor ay sila sana ni Claudine ang nagkatuluyan at baka masaya silang nagsasama hanggang ngayon.

Hindi nabanggit ni Claudine at ng mga kasama kung nasa puntod ni Rico ang parents nito at kapatid. Wala rin sa litrato ang pamil­ya ng yumaong aktor.

vuukle comment

CLAUDINE

DAHIL

NIYA

PARAISO KO

RICO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with