^

PSN Showbiz

Lovi at Rocco excited mag-Europe

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sabay palang nag-look test last Monday sina Maricel Soriano at Lovi Poe para sa pagsasamahan nila sa prime­time soap ng GMA 7 na Ang Da­lawang Mrs. Real. Tsika sa amin, bu­magay kay Lovi ang mga damit at hairstyle na gagamitin sa gagampa­nang role.

Sina Maricel at Lovi ang gaganap na dalawang asawa ni Dingdong Dantes at dito iikot ang conflict.

Ang sabi, kundi sa March 10 ay sa March 17 ang storycon ng Ang Dalawang Mrs. Real at ‘pag natuloy sa Mar. 10, ibig sabihin, sa Mar. 17 na ang first day taping ni Direk Andoy Ranay.

Excited na si Lovi to work with Maricel at first time nilang magkakatrabaho. Looking forward din ito to work again with Ding­dong na una niyang nakasama sa Tiktik: Aswang Chronicles.

Excited na rin si Lovi sa Holy Week va­cation nila ng ina sa Europe na balita namin, balak sumama ni Rocco Nacino. Ayaw talaga ng aktor na mahiwalay sa kanya ng matagal si Lovi. Pero, pumayag kaya ang mother ni Lovi na kasama nila ang rumored boyfriend ng anak sa kanilang bakasyon?

 

Aktres humahada muna habang hinihintay maayos ang script ng gagawing drama

Hindi pa masimulan ang taping ng isang big TV drama project dahil hindi matapus-tapos ang script. Tsika ng isa sa cast ng soap, hindi raw mapagtagpi-tagpi ng scriptwriters ang story na ipinagtataka nito dahil ang alam niya, bukod sa scriptwriters, may creative head pa ang project.

Kaya habang hindi pa nagsisimula ang taping ng soap, tumanggap muna ang aktres na kasama sa cast ng ibang project sa ibang network. Pasalamat itong wala siyang exclusive contract sa unang network dahil kung meron, hindi siya puwedeng tumanggap ng project sa ibang network.

 

Jennica aminadong mas ligawin ang ina

Biniro namin si Jennica Garcia na isusumbong sa inang si Jean Garcia dahil ibinuking na mas ligawin ito sa kanya. Mas in-demand daw sa boys ang ina kesa sa kanya at naalala niya noong wala pa siyang boyfriend, isa lang ang umaakyat ng ligaw sa kanya, samantalang ang mom niya, tatlo ang manliligaw.

Sabi ni Jennica, in-demand ang mama niya sa guys at pati youngers guys, nabibighani sa ina. Isa rito si Polo Ravales na nakita naming katsikahan niya sa blessing ng DMV House of Ac­ting & Performing Arts. Kung nagkatuluyan ang dalawa, bale stepfather niya ang aktor. Hahaha!

Anyway, going strong ang relasyon nina Jennica at Alwyn Uytingco, four years na silang on at natsismis na ngang magpapakasal na itinanggi ng aktres. Pauunahin daw muna niyang magpakasal si Jean at saka siya susunod.

Ini-enjoy muna ni Jennica ang pagiging single, ang career at ang relasyon nila ni Alwyn. Masaya ito na kasama siya sa Carmela.

 

Akting ng pinakabatang nanay na pinoy umaani ng tagumpay

Patuloy na umaani ng pagkilala sa kahusayan sa acting ang child actress na si Barbara Miguel para sa pelikulang Nuwebe. Nominadong best actress si Barbara sa 2014 Queens World Film Festival (QWFF) sa New York, USA.

Nauna rito, nanalong best actress si Barbara sa Harlem International Film Festival for the same movie sa role ng pinakabatang ina sa Philippine history. Kaya naman. Very proud sa kanya si director Joseph Israel Laban at manager niyang si director Maryo J. delos Reyes. Si Barbara lang ang child star na nominado sa nasabing category.                                                                           

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

ANG DA

ASWANG CHRONICLES

BARBARA MIGUEL

JENNICA

LOVI

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with