^

PSN Showbiz

Pamilya ni Deniece pumapalag na sa ginagawang katatawanan ng Showtime family

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Nagreklamo sa MTRCB na umaksiyon

PIK: Nakakatuwa ang suporta ni Regine Velasquez sa bagong tawa-serye ng asawa niya. Panay ang post nito sa kanyang Instagram na abangan ang bagong programa ni Ogie Alcasid, ang Confessions of a Torpe na magsisimula na mamayang 7:30 p.m.

Si Regine raw muna ang nasa bahay nila para bantayan ang anak nilang si Nate.

’Pag magsimula na si Regine ng drama series niya sa GMA 7, si Ogie naman ang magbabantay sa bagets na lalong naging cute habang lumalaki.

Usapan na raw nilang dapat isa sa kanila ay kasama ang kanilang anak dahil kailangan daw nilang subaybayan ang paglaki ng kanilang anak.

PAK: Nagreklamo pala ang pamilya ni Deniece Cornejo sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman na si Atty. Toto Villareal dahil sa palagi na lang daw ginagawang katatawanan ng It’s Showtime ang nangyari kay Deniece.

Paboritong joke kasi ni Vice Ganda si Deniece at ang mga pinagsasabi ni Deniece at sobrang apektado na raw ang buong pamilya.

As of presstime, kinukunan pa namin ng sagot si Atty. Villareal kung anong aksiyon ang gagawin nila sa inihingang reklamo ng pamilya ni Deniece.

BOOM: Sinorpresa ni Liza Diño si Aiza Seguerra sa kanyang concert na Journey of Love sa Resorts World Manila sa Pasay City nung isang gabi.

Kinantahan niya si Aiza na sobrang nasorpresa sa pagkanta ng girlfriend dahil takot na takot daw talaga itong kumanta.

Pagkatapos ng concert, sinabi sa amin ng magkasintahan na inaayos na raw nila ang kasal na una nilang gagawin sa Amerika at ang kasunod ay may gagawin din daw silang seremonya rito sa Pilipinas.

Napagkasunduan na nilang magpakasal baka January o February daw sa susunod na taon.

“Gusto ko naman napaghandaan namin nang husto. First time ko lang magpakasal eh,” pakli ni Aiza.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

DENIECE

DENIECE CORNEJO

JOURNEY OF LOVE

LIZA DI

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NAGREKLAMO

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with