^

PSN Showbiz

Anne nominated na favorite Asian act sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nominated sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2014 as Favorite Asian Act si Anne Curtis. “Ecstatic to be nominated. Another dream come true,” sabi ni Anne sa kanyang Instagram account.

Sa rami nang followers ni Anne, malaki ang tsansa niyang manalo. Eh botohan sa online ang mala­king basehan sa mananalo.

Grabe si Anne. Tuluy-tuloy ang bonggang takbo ng career. At patunay ito na idol na idol talaga siya maging ng mga bata.

Ngayong araw ay magkakaroon naman ng launching ang Century Tuna SuperBods 2014 at makakasama niya sa endorsement na ito, walang iba kundi si John Lloyd Cruz na siyempre ay alam nating lahat kung ano ang nangyari sa kanila last  year.

 

Third eye Graded B

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Third Eye na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw. Bida sina Carla Abel­lana, Denise Laurel, and AJ Falcon with Alex Medina na sinulat at dinirek ni Aloy Adlawan for Regal Films.

In fairness, malakas ang takot factor ng pelikula at kakaiba ang kuwento.

Ito ang unang proyekto ni Mother Lily Monteverde for 2014. Last project niya with Star Cinema ang isa pang horror movie, Pagpag, na pumangatlo sa mga pinakamalaking kita sa 2013 MMFF.

 

Kapuso actress programa ng ABS-CBN ang pinanonood

Hindi loyal sa GMA 7 ang contract star nilang actress. Imbes kasi na manood ito ng mga programa ng mga kanyang network, ang show pa ng ABS-CBN ang pinanonood nito. At nagti-tweet pa ito sa pinanonood niya. Hahaha.

Actually, ginagawa lang naman daw ito ni aktres para urutin ang pinagmamalditahan niyang aktres.

Kaloka rin si aktres urutera to the highest level. Pero ang hindi niya alam ang network niya ang tinatamaan sa ginagawa niya.

Kokonti na lang nga silang aktres na may pangalan sa kanilang network, nang-iimbyerna pa si aktres.

Dapat nga sila ang magtulungan para tumaas naman ang rating ng kanilang mga programa lalo na sa primetime.

 

Aktor walang emosyon kung umarte

Walang emosyon ang acting ng isang aktor na kasama sa isang pelikula na palabas sa mga sinehan. Sorry, pero blangko talaga ang mukha niya. Eh magaling pa naman ang kaeksena niya kaya talagang lamon na lamon siya.

Kailangan niya ang tulong ng school of acting. Sayang naman siya. Ang gaganda ng mga project na napupunta sa kanya pero sadly, kulang sa lalim at emosyon ang kanyang atake sa ginampanan niyang papel.

 

vuukle comment

ALEX MEDINA

ALOY ADLAWAN

ANNE CURTIS

CARLA ABEL

CENTURY TUNA

GRADED B

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with