^

PSN Showbiz

Aiza at That’s my Tomboy grand winner, magsasanib-pwersa sa ASAP 19

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang kilig na dala ng buwan ng ‘Feb-ibig’ sa ASAP 19 nga­yong Linggo (Pebrero 23) sa handog nitong nakaka-in love na concert performances na pangungunahan ng ASAP Sessionista member na si Aiza Seguerra, kasama ang That’s My Tomboy grand winner ng It’s Showtime na si April Mariz “Epey” Herher.

Mas aapaw ang pag-ibig sa center stage ng ASAP 19  dahil sa engrandeng bridal shower para sa bride-to-be na si Karylle. Gaga­wing mas espesyal ang pre-wedding treat kay Karylle ng kanyang ina na si ZsaZsa Padilla, kapatid na si Zia Quizon at ang best friends niyang sina Iza Calzado at Diana Zubiri.

Saksihan ang world-class vocal performance mula kay Popstar Royalty Sarah Geronimo na sasamahan nina Erik Santos, Jed Madela, Bugoy Drilon at Thor. Paiibigin naman ng international singing sensation na si Charice ang TV viewers sa inihanda niyang special musical number. 

Bibilis ang tibok ng puso ng lahat sa pinakamalaking teen prom ng taon tampok ang Kapamilya teen stars na sina Julia Barretto at Jerome Ponce, Paul Salas at Ella Cruz; Marlo Mortel at Janella Salvador ng Be Careful With My Heart, Andrea Brillantes at Nathaniel Brit ng Annaliza; at Liza Soberano at Yves Flores, Alex Diaz at Kristel Fulgar, at Jon Lucas at Ingrid Dela Paz ng Got To Believe.

Humanda rin para sa back-to-back birthday celebrations para kina John Prats at Empress; grand launch ng bagong girl vocal group ng ASAP na Homegrown Divas na binubuo nina Angeline Quinto, Morisette Amon at Klarisse De Guzman; at special welcome para sa pinakabagong miyembro ng Star Magic family na si Paolo Onessa na maglo-launch ng kanyang debut album ngayong Linggo.

Samantala, makikanta sa Karaoke hits kasama sina Mitoy, Marcelito Pomoy at Jovit Baldivino; at maki-jam sa musikang hatid nina Princess, Nyoy Volante, Paolo Valenciano at Tutti Caringal.

Abangan din ang makapigil-hiningang dance performances mula kina John, Sam Milby, Gerald Anderson, Kim Chiu, Cristine Reyes, Maja Salvador, Iya Villania, at Nikki Gil.

Tiyak na tatatak naman sa puso ng mga manonood ang concert treat mula kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano na makikipagrakrakan kasama ang OPM rock icons na sina Bamboo at Ebe Dancel.

Huwag palampasin ang longest-running at award-winning variety show ng sambayanan, ASAP 19, ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALEX DIAZ

ANDREA BRILLANTES

ANGELINE QUINTO

APRIL MARIZ

BE CAREFUL WITH MY HEART

CRISTINE REYES

DIANA ZUBIRI

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with