^

PSN Showbiz

Magiging mister ni Karylle galit sa bakla, inaakusahan ding ‘murderer’; Maraming artista natuwa sa online libel law!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

 Seen : Ang bintang na homophobic si Yael Yuzon dahil hindi siya natutuwa na itinutukso kay Vice Ganda ang kanyang mapapangasawa na si Karylle.

Scene : “Huwag ka nang magpadala ng flowers K. Okey na ‘yon” ang message kahapon ni Vice Ganda kay Karylle sa It’s Showtime.

Pinadalhan ni Karylle ng bulaklak si Vice dahil na-offend din ito nang malaman niya na ayaw ni Yael na maging ka-loveteam siya ni Karylle.

Seen : Biktima si Yael Yuzon ng bashing sa social media at kagagawan ito ng fans ng love team nina Vice Ganda at Karylle.

Tinawag na murderer si Yael dahil pinapatay raw niya ang  tambalang Ka­rylle at Vice Ganda.

Scene : Ten days nang patay si Roy Alvarez  ngunit napapanood pa rin siya sa Villa Quintana dahil nakapag-advance taping siya para sa afternoon drama series ng GMA 7.

Seen : Bukas ang grand finals ng ForeigNoy, ang contest ng Eat Bulaga para sa mga dayuhan na may pusong Pilipino.

Scene : Buo ang suporta kay Vhong Navarro ng kanyang fans sa bagong rape complaint ng isang Roxanne Cabañero Acosta.

Hindi naniniwala ang mga taga-hanga ni Vhong na nang-abuso ito ng babae.

Seen : Ang taos-puso na pasasalamat ni Jericho Rosales sa lahat ng mga tumangkilik sa kanyang throwback movie, ang ABNKBBSNPLAko?! na huling pelikula niya bilang ba­chelor dahil ikakasal na sila ng girlfriend na si Kim Jones sa May.

 Scene : Pabor ang mga artista sa pagpapatupad ng  online libel law dahil sila ang kadalasan na biktima ng mga tao na naging gawi na ang manira ng kapwa.

 

 

 

vuukle comment

EAT BULAGA

JERICHO ROSALES

KARYLLE

KIM JONES

ROXANNE CABA

VICE GANDA

YAEL YUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with