^

PSN Showbiz

Anne hindi ma-imagine na layasan ang showbiz para mag-asawa at mag-anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakaplano na ang next vacation ni Anne Curtis at ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff. Pupunta sila sa Myanmar pero sa Holy Week pa dahil  sa hectic schedule ni Anne.

Ang Myanmar ang type na puntahan ng magdyowa bago pa tuluyang maging komersyal ang bansa na nagiging popular sa mga turista. Kasali na ang Myanmar sa listahan ng  must-visit countries.

Wala pa sa plano ni Anne ang mag-asawa at kung siya ang tatanungin, 32-years old ang ideal age para lumagay sa tahimik ang isang babae. Hindi ma-imagine ni Anne na titigil ito sa pag-aartista kapag nagkaroon na siya ng asawa at anak. Puwede raw na huminto siya ng tatlong taon para alagaan ang kanyang anak pero babalikan niya ang pag-arte.

Nanalo ako ng cell phone sa raffle draw sa Thanksgiving party ni Anne noong Lunes. Bumaha rin ang giveaways dahil sa dami ng kanyang mga product endorsement.

Touching ang effort ni Anne na pasalamatan ang lahat ng entertainment writers na sinuportahan ang kanyang career. Mismong si Anne ang sumulat ng dedication para sa entertainment writers.

Matagal na nakipagkuwentuhan si Anne sa mga reporter. Komportable na siya na pag-usapan ang kontrobersya na kinasangkutan niya noon. Nakakapagbiro na si Anne tungkol sa insidente na sumubok sa katatagan niya.

Very positive ang outlook ni Anne sa buhay at  type na type ko ang generosity at pagpapahalaga na ibinigay niya sa entertainment press.

 

Ibinuko ng kapatid, Jake at Sam basted kay Jessy

Na-meet ko naman kahapon si Pam Mendiola, ang kalokalike ni Jessy Mendiola. May karapatan si Pam na maging kalokalike ni Jessy dahil magkapatid sila, lalupa’t isang taon lamang ang agwat ng kanilang mga edad..

Artista na rin si Pam dahil starring siya sa Pretty Little Liars, ang bagong show ng TV5. Nakuha ni Pam ang role dahil sa sariling sikap, hindi dahil sister siya ni Jessy.

Graduate na si Pam ng college kaya may oras na siya para mag-concentrate sa kanyang acting career.

Binibigyan siya ni Jessy ng pointers dahil ito ang unang nag-join sa showbiz pero pagdating sa love life, si Pam ang nagbibigay ng payo sa kapatid.

Masarap kausap si Pam dahil hindi pa uso sa kanya ang mga off-the-record na sagot. Kapag tinanong siya tungkol sa love life ni Jessy, sinasagot niya. Nalaman ko tuloy na totoong nanligaw kay Jessy sina Jake Cuenca at Sam Milby pero walang nangyari. Si JM De Guzman lang ang kapwa artista na nakarelasyon ni Jessy pero hindi rin nagtagal ang kanilang love affair.

Kasama ni Pam sa pocket interview ang nanay nila ni Jessy na kalokalike rin nila. Puwedeng mapagkamalan na magkakapatid ang tatlo dahil bagets-looking ang kanilang madir.

May Lebanese blood ang Mendiola sisters dahil sa kanilang ama. Matagal nang hindi nakikita nina Pam at Jessy ang tatay nila na naninirahan sa Panama. May communication ang mag-aama sa text at Viber.

Megan ang name ng bunsong kapatid nina Pam at Jessy. Fifteen-years old na si Megan pero wala pa itong interes na pumasok sa showbiz. Kung mestiza ang mga itsura nina Pam at Jessy, Asian looking naman si Megan.

vuukle comment

ANG MYANMAR

ANNE

ANNE CURTIS

DAHIL

DE GUZMAN

ERWAN HEUSSAFF

JESSY

MEGAN

PAM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with