^

PSN Showbiz

Sikreto ng maganda at mala-dyosang kutis nila Ruffa at Iza ibubunyag!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa episode ngayong Linggo ng Salamat Dok ay pag-uusapan ang malusog na pangangatawan sa tulong Vitamin Infusion ng Belo Medical Group (BMG); at sa malusog na balat, salamat sa Wet and Dry Dermabrasion treatment.

Ibabahagi ni Dra. Vicki Belo ng BMG ang sikreto ng malusog at parang kutis-batang balat na nakikita sa mala-dyosang si Ruffa Gutierrez at morenang si Iza Calzado. Sumumpa ang dalawang magagandang aktres kung gaano kaepektibo ang treatment sa pangkalahatang kalusugan ng kanilang katawan.

Ang BMG ay may tatlong vitamins infusion na iniaalok: Anti-aging – isang powerful formula na lumalaban sa mabilis na pagtanda at kulubot ng balat; Whi­tening – ang mas kumportableng paraan para makakuha ng glutathione shot; at Energy – kung saan mas makukuha ng katawan ang kinakailangang vitamins para sa mas masigla at energized na pangangatawan.

Ang mga nasabing infusions ay may Vitamin B, Vitamin C, Amono acids, Zinc and trace minerals. Ideal ito para mag-boost ng immune system, dagdag na lakas ng pangangatawan at tumutulong sa cellular regeneration. Ang mga treatment ay maaaring makuha sa regular dose at high dose at puwedeng gawin dalawang beses sa isang linggo. Available ito sa clinic ng Belo Medical Plaza Makati.

Kung gusto mo naman ng malusog, malambot, makinis, maputi, at glowing skin, ang Wet and Dry Dermabrasion treatment ang para sa iyo. Nakakapagpantay ito ng kulay ng balat sa buong katawan sa pamamagitan ng exfoliation at infused serums.

Mas mainam kung kada linggo ang treatment at ang bawat session na tumatagal ng isa’t kalahating oras ay may kasamang paglalagay ng blea­ching cream. Nagbibigay ito ng komprehensibo at epektibong exfoliation, para maging hydrated ang balat. Panoorin ang Salamat Dok ngayong alas-7:30 ng umaga sa ABS-CBN na mapapanood din sa ANC para sa iba pang detalye ng Vitamin Infusions at Wet and Dry Dermabrasion.

vuukle comment

BELO MEDICAL GROUP

BELO MEDICAL PLAZA MAKATI

DRY DERMABRASION

IZA CALZADO

RUFFA GUTIERREZ

SALAMAT DOK

VICKI BELO

VITAMIN B

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with