^

PSN Showbiz

TV host-actress ‘pinagmamalupitan’ ang co-host na hindi masyadong showbiz

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : May tampuhan pa rin sina Keanna Reeves at ang bagets boyfriend niya kaya hindi namin ito nakita sa taping ng Picture Picture na kung saan kasali ang sexy comedienne.

Sabi ni Keanna, babalik din daw ang dyowang bagets kapag kailangan na ng allowance kaya may space raw muna sila.

PAK: Nagkaroon ng emergency meeting kahapon ang buong production staff ng Villa Quintana dahil sa biglaang pagkamatay ni Roy Alvarez dahil sa cardiac arrest.

Malaki ang role na ginagampanan ni Roy sa afternoon drama na ito ng GMA 7, at marami pa sana silang mga eksenang kukunan na kasama siya. May extension pa sana ito dahil sa magandang rating, pero ngayon ay namumroblema sila kung paano ituloy ang kuwento na hindi na kasali si Roy.

Hindi pa nila madesisyunan kung papalitan na lang o kung paano tanggalin ang karakter nito.

BOOM: Super ang pagka-PR at pagiging chikadora itong si actress/TV host, pero may taglay pa rin palang kamalditahan ito na hindi na natiis ng kanyang co-host.

Hindi artista ang co-host ni actress/TV host pero kilala ito sa kanyang propesyon kaya iginagalang siya ng mga katrabaho niya.

Pero iba ang pagkakilala sa kanya ni actress/TV host na feeling nito mas mababa sa kanya kaya wala siyang takot na sigawan ito sa isa sa mga taping nila.

Bukod pa diyan, kapag magkapareho sila ng kulay ng damit, kaagad na pinapapalitan niya ang damit ng co-host dahil ayaw niyang magkakulay sila. Pero limang damit lang naman daw ang dala ni co-host, samantalang itong si actress/TV host ay halos isang cabinet ang dalang damit, pero ayaw niya magpalit.

Kaya lang, mahirap paniwalaan na ganun kamaldita si actress/TV host dahil bongga ang PR nito sa mga katrabaho niya at movie press.

vuukle comment

BUKOD

HOST

KAYA

KEANNA

KEANNA REEVES

PERO

PICTURE PICTURE

ROY ALVAREZ

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with