^

PSN Showbiz

Deniece hindi pa papasang artista sa sobrang panget ng imahe

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Puwede na raw mag-artista ni Deniece Cornejo sa rami at laki ng publicity na nakukuha niya. Malaki nga pero, negatibo naman ang dating. Kung mag-aartista siya, magpa­lam­pas muna siya ng ma­habang panahon. Sa ngayon, hin­ding-hindi maganda ang imahe niya sa publiko. Mababastos at ma­babastos lamang siya.

Angel at Luis may kasalan agad kahit hindi pa malinaw na nagkabalikan na

Totoo ba ‘yung kasalang nababalita kina Angel Locsin  at Luis Manzano? Meron na ba talaga silang romansa uli? Marami kasi ang ayaw maniwala kasi parang promo raw.  Promo saan? Wala naman silang proyekto na magkasama. Hindi naman sigu­ro papayag ang isa man sa kanila na pagamit sa isa  para naman sa ikatatagumpay ng sari-sarili nilang  proyekto.

Mariel ‘di pa kinukuha ng ABS-CBN

Sana makabalik na nga si Mariel Rodriguez Padilla sa ABS-CBN. Mukhang gusto niyang bumalik dito. Wala naman sigurong problema dahil magaling naman siyang host.

At payag din naman si Robin Padilla na maging host siya. Huwag lang yata pag-aartista dahil seloso daw siya, ayaw niyang magkakaroon ito ng eksena ng romansa sa kanyang ma­kakapareha. At aminado ang aktor sa pagi­ging seloso niya.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DENIECE CORNEJO

HUWAG

LUIS

LUIS MANZANO

MARIEL RODRIGUEZ PADILLA

NAMAN

ROBIN PADILLA

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with