^

PSN Showbiz

Mga nambugbog kay Vhong banabantayan na ng DOJ at NBI para ‘di makapuslit

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mahihirapan na sina Cedric Lee at Deniece Cor­nejo na makalabas ng bansa. Minamatyagan na sila ng DOJ at maging ng NBI at natuklasan na nagpabook na sila for an early February flight sa isang airline. Kung naunahan ng plano nila ang pagsasampa sa kanila ng kaso ni Vhong Navarro, baka nakaalis pa sila. Pero, sa naging kaso nila naging interesado rin ang BIR na repasuhin ang record ng mga negosyo ni G. Lee para malaman kung nagbabayad ba ito ng tamang buwis para sa kanyang mga negosyo na kung saan ay kasosyo niya ang ilang malalaking pangalan sa  hanay ng kapulisan.

Samantala, inihayag ng namumuno ng NBI na nag-review ng mga kuha sa CCTV cameras sa  condo unit na tinitirhan ni Bb. Cornejo na imposible daw na maganap ang rape na inaakusa nito sa aktor/TV host dahil sa ikli ng panahon na ginugol nila na magkasama sa unit nito.  Mas mahabang panahon  ang nangyari  sa pag-akyat at panaog  nila sa condo nito at sa pagdadala nila dito sa isang istasyon ng pulisya para magpa-blotter.

Luis at Angel panay ang tukaan

Sa halip na ma-offend, mara­mi ang natuwa na ma­kita ang la­ra­wan sa Internet nina Angel Loc­sin at Luis Manzano na nag­ha­ha­likan. Kuha ito sa dalawa bago sila lumulan ng eroplano pabalik ng Pilipinas mula Dubai na kung saan ay kabilang sila sa napakaraming Kapamilya na nag-perform sa nasabing lugar para sa programang ASAP . Bukod sa nasabing kissing photo may larawan din ang dalawa sa loob ng isang eroplano na kung saan ay magkatabi sila ng upuan.

Lahat ay umaasam na magtatagal na sila the second time around.

Enzo nahihilig sa wakeboarding

Si Enzo Pineda, nahihilig sa wakeboarding. Madalas itong makita  sa Sta. Rosa, Laguna para sa sport na ito. Sinasamantala ng batang aktor na maluwag pa ang kanyang schedule para makapag-practice  ng madalas. Hindi lamang siya nalilibang, perfect din ito para gumanda ang kanyang panga­ngatawan.

Tunying binubuhay ang mga kapatid

Maganda ‘yung segment sa Kris RealiTV na kung saan ay itinatampok niya ang ilang mga showbiz personalities na may mga negosyo. Nauna na niyang itinampok ang matapang at magaling na si Antho­ny Taberna na may ne­gosyong tina­pay na dinadala ang pangalan niya na pa­ngalan din pala ng ama niya. Junior siya ng kanyang ama. Ang asawa ni Tun­ying ang tumutulong para ma­palago niya ang kanyang negosyo na balak din niyang pagsimulan din ng isang café business in the future. Hindi lang pala sa kanya at sa pamilya niya ang bread business ng TV host at news anchor. Itinatag niya ito bilang tribute sa kanyang ama at para makatulong din sa kanyang mga kapatid. Dahil sa kahirapan, si Tunying lamang ang nakatapos ng kolehiyo sa kanilang magkakapatid at nangyari lamang ito dahilan sa tulong ng isa niyang naging guro sa iskwela na nanghinayang sa kanyang pagiging matalino kung kaya tinulungan siya nito. May beauty salon din ang mag-asawang Tunying and Rosell.

Passion ni LJ Moreno ang baking kung kaya nagtayo ito ng isang bake shop na ang specialty ay mga lollipops, o mga cakes na nakatuhog sa stick. Ito ang pinaggugugulan ngayon ng panahon ng aktres bukod pa sa pag-aasikaso ng kanyang pamilya,

Proud din si Ara Mina sa kanyang dalawang negosyong bakeshop. At beauty products. Nag-aral pa muna ito ng culinary bago siya nag-decide to venture into the cake business na magdadalawang taon na.  Bagaman at malayo pa bago magpakasal ng aktres sa kanyang boyfriend na isang mayor sa isang probinsiya sa Bulacan, proud ang aktres sa kanyang cake business because it keeps her busy. Bukod sa mga pastries, brownies at  cupcakes, into the beauty business din si Ara. Tulad ng mga cakes, matatagpuan ang mga beauty products niya online.

Isang shop din ang negosyo ni Dimples Romana na nagbebenta ng came­ras and accessories. Mga kapwa niya artista ang karamihan sa mga patrons ng shop ni Dimples na matatagpuan din online na may pangalang Dimples’ Picks.

vuukle comment

ANGEL LOC

DIN

KANYANG

NIYA

PARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with