^

PSN Showbiz

Kahit meron daw: Sarah at Matteo pinaninindigan na walang relasyon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Wala mang tahasang pag-amin na nagmumula kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa totoo nilang relasyon, people in the know swear na may unawaan na ang dalawa since last year. Usapan na marahil ng dalawa na maging tahimik lamang sila pagdating sa kanilang relasyon dahil na rin marahil sa takot ni Sarah na mauwi rin ito sa wala tulad ng kanyang unang pag-ibig kay Rayver Cruz at naudlot niyang relasyon with Gerald Anderson.

Kung si Matteo lamang siguro ang masusunod, ipagsisigawan niya sa buong mundo ang kanilang pag-iibigan ni Sarah pero tulad ng kanyang sinabi, nirerespeto niya ang pamilya ng singer-actress.

At 25 turning 26 this year, Sarah is of age to choose the man na magbibigay sa kanya ng inspiras­yon. Si Matteo na nga kaya ’yon?

Pip 33 years nang kasal, never na-involve sa ibang babae

Isa sa pinakamatatag ang pagsasama bilang mag-asawa ay sina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti-Cruz na magsi-celebrate ng kanilang ika-33rd wedding anniversary on May 25. Ang dalawa ay ikinasal nung May 25, 1981 at sila’y biniyayaan ng tatlong anak – sina TJ (30), Bodie (28), at si Djanin (22).

Magmula nang maging mag-asawa sina Pip (palayaw ni Tirso) at Lyn ay ang huli na ang tumayong manager ng kanyang mister.

Proud ang mag-asawang Pip at Lyn dahil bukod sa mababait ang kanilang mga anak ay napagtapos nila ito ng kanilang pag-aaral. Since tapos na ang mga ito sa kanilang kolehiyo, binibigyan na sila ng kalayaan na pumasok sa showbiz tulad ng kanilang ama. Bunso at mag-isang anak na babae si Djanin kaya protective sa kanya ang dalawa niyang kuya.

“Pero hindi naman po over protective dahil nasa edad na rin po si Djanin. But we are always there for her,” pahayag ni Bodie nang ito’y aming makapanayam ni German Moreno sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with Master Showman recently.

Hindi man natupad ni Lyn ang kanyang pangarap na maging flight attendant noon, ang pagkakaroon naman ng isang mabait at responsible husband at tatlong mababait na anak ang naging kapalit.

Magmula nang lumagay sa tahimik si Pip, never itong na-involve sa ibang babae kaya naman hanggang ngayon ay matiwasay at masaya ang kanilang pagsasama ni Lyn kasama ang kanilang tatlong anak.

 

vuukle comment

BODIE

CELEBRITY TALK

DJANIN

GERALD ANDERSON

GERMAN MORENO

KANILANG

LYN YNCHAUSTI-CRUZ

MAGMULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with